The Kingdom of Maharlika
Siguro naman may alam kayo sa kasaysayan ng Pilipinas?
Kilala nyo naman siguro ang unang pambansang bayani natin na si Lapu-Lapu?
Alam nyo rin naman siguro kung ano ang Gobernador Heneral at kung ano ang ginawa ng mga Kastila sa mga Pilipino?
Dapat kilala nyo rin sila Pareng Rizal, Ka Bonifacio, Ka Aguinaldo, Mang Mabini, Mang Antonio, Pareng Del Pilar at marami pang iba.
Syempre! alam natin lahat yan. Elementry pa lang ay paulit ulit na itinuturo ng mga guro natin ang kasysayan ng Pilipinas. Pero nabanggit ba sa atin ang mga pangyayari bago pa dumating ang mga Kastila sa Perlas ng Silangan, at kung sinu-sino ang mga bida sa istorya ?
"Ten tene!! tenenenene ten tenen!!"
Part One : Kingdom of Maharlika
The Kingdom of Maharlika was composed Philippines, Borneo, Guam, Marianas Island and Hawaii.
"Hu-waw akalain mo nga naman na masasama ang Pinas sa mga maharlikang bansa?"
Nag-iisang pamilya ang may hawak ng titulo ng buong Pilipinas, At ang pamilyang ito ay ang mga Tagean-Tallano na pinamumunuan ni Rajah Luisong Tagean, di nag tagal ay pinalitan nya ang apelyido nya ng Tallano ng ni-raid ng barbarian at archers ng mga Kastila ang Pilipinas. Sa kanya rin galing ang pangalan ng Luzon.
Part two : Tagean-Tallano Family
Tagean-Tallano family picture with Pres. Manuel Quezon and Vice Pres. Sergio Osmena
Si Rajah Luisong Tagean ay may dalawang anak na sina Rajah Lapulapu Tagean at Rajah Soliman Tagean. Si Lapulapu ang may hawak ng Mactan, at si Soliman naman ay namuno sa buong Maynila
Konting dagdag kaalaman:
Mga Intsek ang nag pangalan sa Maynila.
Dati kasi mani ang pangunahing produkto ng Maynila, ine-export ito sa Mexico at Europa, at herbal plant na kung tawagin ay Nilad na ine-export sa China.
Mayroon rin siyang labing-isang apo na sina Rajah Lakandula Tagean na may hawak ng Tondo, Rajah Soliman Tagean(pamangkin ni Lapulapu) na may hawak ng Eastern Quezon, Mauban, Sampaloc at Lukban, Rajah Baginda Tagean na may hawak ng Bohol, Rajah Kabingsuran Tagean na may hawak ng Southern Mindanao, Rajah Colambo Tagean na may hawak ng Cebu, Si Rajah Sikutana Tagean na nakikihati sa Bohol, Prince Lacan Acuna Macleod Tagean(ampon na anak ni Soliman) wala siyang pinamunuan dahil nasa ilalim na ng mga Kastila ang Pilipinas, gayon din ang mga sunod na sina Prince Julian Macleod Tagean-Tallano, Don Esteban Benitez Tallano, Don Bonito Acuña Tallano, Prince Julian Morden Tallano.
"Si Prince Julian Morden Tallano na lang ang natitirang buhay sa mga apo ni Rajah Luisong Tagean hanggang ngayon"
Part Three: Treaty of Paris
Napagkasundun ng Espana at Estados Unidos na tapusin ang kanilang digmaan sa pamamagitan ng pagpirma sa Treaty of Paris(1989), kung saan naibenta ang Pilipinas sa halagang $20 million U.S Dollars. Ang nanalo sa subastahan at ang nag bayad sa nasabing halaga sa pamamagitan ng U.S Gold Coins ay walang iba kundi si Don Esteban Benitez Tallano, pinsan ni PRINCE JULIAN MORDEN TALLANO. Sa pamamagitan ng nasabing kabayaran, kinilala at inaprubahan ng Oficina de Cabildo ang Royal Decree 01-4 Protocol at nirehisto bilang TITULO DE COMPRA sa pangalan ni PRINCE LACAN ACUNA TAGEAN TALLANO.
Sa ilalim ng administrasyon ng mga Amerikano sa Pilipinas, ang pag mamayari ng mga Tallano sa titulo ay mas pinatibay pa ng Act No. 496, na nag lalaman ng mga batas tungkol sa Torrens Title. Ito ay nag papatunay na ang mga Tallano ang nag mamay-ari ang buong arkipelago bilang Original Certificate of Title (OCT) 01-4.
Ang Torrens title, ito ay hindi mapapawalang bisa kahit kailan, "ibig sabihin, walang ibang titulo ng lupa ang makakatalo dito" pwera na lang kung may iba pang titulo ng lupa na nauna pang i-rehistro bago ang nasabing Torrens Title.
"but wait there's more!"
"Ito rin kasi ang pinaka unang titulo ng lupa na nairehistro"
some of OCT 01-04 pictures
"Huwaw!!"
Pero nasan na nga ba sila ngayon? Ano ang balak nila sa Pilipinas? May kinalaman ba sila sa Pulitika? Totoo ba ang lahat ng ito ?
Kung nasan man sila at kung anu mang balak nila sa Pilipinas, ipanalangin na lang natin na sana ay hindi sila kagaya ng mga nakaupo ngayon.
"clap, clap, clap,"