6. Planting Corn in Mars

Posted on at


Politicians' Rant

 

 

Ayan, andito na naman tayo, eleksyon na naman at marami na namang umaarangkada dyan sa tv. Marami na ngang nagsusulputang mga advertisements at mga balita sa kung sino sinong tao dyan. Merong nagpapahiwatig na gustong tumakbo, meron ding pinipilit tumakbo, at meron ding pa ayaw ayaw.

Kitang kita na naman natin kung ano na naman itong pinupush nila. Itong walang kamatayang edukasyon sa mahihirap, yung mga batang paslit na nakapaligid sa kanila, at mga interview rin sa mga madlang people.  At meron ding nagspeech na naku, humble daw, pero ano nang nagyari ngayon, para yatang nag shoshow off ka na dahil dyan sa paid mong advertisement.

At meron ding mga madlang people na daig pa ang reaction paper. Wala pa ngang nagyari, wala pa ngang sinasabi, reak na nang reak. Sige ipagpatuloy niyo yan. Baka may mangyari maganda dyan sa mga pinag gagawa ninyo. (lol) Tatapusin ko na ito.

Hay naku ha, tigil tigilan niyo na kami dyan sa mga kachurvahan niyo ha. Isa lang naman ang gusto namin, at alam niyo yan.

 Hindi ito masyadong rant. Obvious naman. (lol) Hindi relate yung title, at wala kayong pakialam. (pabebe)

 

Photo from: myths-made-real.blogspot.co


TAGS:


About the author

160