Adik Din sa Water

Posted on at


Keeping hydrated ay important sa atin, mga humans. Napakaraming health benefits ng pag-inom ng water, isa din itong mabisang detoxifier. Sabi nila kailangan daw 6-8 glasses of water ang dapat inumin sa isang araw. Nasusunod nyo ba yun? Well, ako YES na YES. Isa ako sa mga taong malakas uminom ng tubig. Parang lagpas 8 glasses pa nga ako eh. Kahit medyo adik ako sa softdrinks,napakalakas ko pa din uminom ng water.

Sa bawat meal pa nga lang eh, 2-3 glasses of water ang naisasabay ko. Idagdag pa yung mga pamaya-maya ko na inom. Naalala ko nga sa old office ko ang kalokohan ng officemates ko. Pag gagawa na ng voucher para sa replenishment ng petty cash namin, dapat nakapangalan sa akin yung para sa expenses sa mineral water, kasi ako daw ang malakas uminom. Hahaha. Medyo grabe sila, pero sabagay tama naman sila. May baon naman akong water, kaso pagdating ko pa lang sa office,halos ubos ko na agad yun.

May nabasa ako ako na article noon na pwede din maging harmful ang pag-inom ng too much water. Mag-s-struggle daw ang kidney para i-eliminate ang enough water sa ating system, kaya siguro kailangan ko din medyo bawasan to.

Naisip ko lang to i-blog ngayon dahil muntik maasar si mudra nung nalate madeliver yung tubig namin nung isang araw. 

 



About the author

Lonie

I am a music lover... a woman who thanks God every second of my life for His unconditional love.

Subscribe 0
160