Talong, Madalas hindi nawawala yan sa hapag kainan ng bawat pamilyang pilipino, Mapa student meal man o simpleng torta, isa rin ito sa mga nangungunang sangkap sa paborito ng mga pilipino na ulam ang sinigang. Pero alam mo ba, kaya mo pang bigyan ng twist ang EGG PLANT o TALONG?
Alam mo ba na pwede mo na ngayong iadobo ang talong, may mga iilang tao narin ang nakaka alam nito o paano ito lutuin, But siyempre nandito parin ako para ishare itong recipe na ito for those pilipinos na hindi pa nakaka alam nito. Share ko lang, One time nagluto ako nito para sa pamilya ko at nung may natira ibinaon ko sa work ko yung ulam hindi kasi ito madaling masira o mapanis kasi may suka siya. Para makatipid ako, Ang mahal kasi ng mga ulam na itinitinda sa canteen namin, Then nung nag lunch break na kakain kami sabay sabay ng mga friends ko, Ano daw ang baon ko at sinabi kong adobong talong. Nuong una parang nagtataka sila bakit sarap na sarap ako kumain eh samantalang inadobong talong lang naman daw ang ulam ko, Ngaun nag share ako sa kanila, Nung natikman nila abay akalain mong gustong makipag palit ng ulam sa akin. Abay matinde! Eh since onti lang naman dala ko na ulam pang isang tao lang sabi ko sa kanila next time guys, Magluluto ako nito for us, Pero Mag aambagan tayo. Akalain mo yun sa simpleng talong makakaluto ka ng masarap na ulam. Interesado kaba malaman kung papaano ito lutuin?
Ok so ihanda na ninyo ang inyong ballpen at papel.
List of Ingredients: Bawang,Sibuyas, Toyo, Suka, Tinapa, Cooking oil, Paminta, at siyempre ang Bida ng recipe, Ang talong.
Procedures: Pre heat ninyo muna ang inyong kawali, Next Iprito muna ang tinapa, After maluto himayin ito at make sure na nahiwalay o natanggal ninyo ang tinik nito. Next Hiwain ang Sibuyas, Bawang at talong. Mag gisa o mag sauté ng sibuyas at bawang, isunod ang Talong, NOTE! Wag Baliktarin o haluin ng haluin ang talong para hindi ito madurog ok na ang 15 seconds para iprito ang bawat side niya. Ilagay ang toyo, lutuin for 15seconds again para ma absord ng talong ang toyo, Next ihalo ang suka at paminta at ihalo na ang hinimay na tinapa at presto!!! ADOBONG TALONG WITH TINAPA. Itry mo lutuin ito sa pamilya mo and im sure magugustuhan nila. HAPPY COOKING!