Ang aking almusal

Posted on at


Magandang umaga sainyong lahat..Sa mga nakabasa ng blog ko kahapon,batid ninyo na wala ako sa bahay namin ,nandito kasi kami sa Sawara,probinsya dito sa Japan..Dito kami nagpalipas ng gabi.

Dito kami ngayon sa Isang hotel dito na mapapa WOW ka kasi mura..LIBRE na kagabi ang hapunan pati agahan kanina.

Sanay ako na tinapay sa umaga,pero dito sa hotel dito,japanese style kasi kaya WASHOKU o japanese cuisine ang inihahain.

Nagkanin ako ngayong breakfast ,ilang taon na rin akong hindi nagkakanin sa agahan hehehe pero tutal minsan lang naman,eh di Walang problema (^_−)−☆ 

Ang agahan na inihain dito sa hotel kanina ay inihaw na isda..Ang isda ay tinatawag dito na SABA,sa ingles ay MACKEREL..Syempre mainit na japanese rice,Misoshiru soup and pickles ..Napaka healthy naman ng inihandang almusal,nagustuhan ko,masarap naman kasi.

Talagang iisipin mo na Pag Japanese cuisine o Washoku,balanse ang lahat..Yan ang pinakamagandang balance diet para maging malusog at masigla .



About the author

160