Dear Madam Charo este mga ka-bits,
Kailangan ko po ang payo nyo sa seryoso kong problema. May times kasi na nauubusan kami ng stocks ng ibang foods dito sa house tulad ng eggs. Kaya minsan sa stores malapit dito sa house na lang kami namimili. Softdrinks din ay dito na kami bumibili, kasi sa totoo lang parang mas makakamura kung 1 litro na nakalagay sa babasaging bottle, may ipapalit naman ako na bottle eh.
So ganito po un sitwasyon ko. Meron pong mas malapit na store dito sa bahay. As in halos ilang lakad lang ay ayun na. Pero yung eggs nila ay 7.00 each samantalang dun sa store na kaoopen lang sa kanto na kayang-kaya ko naman lakarin ay 6 pesos lang, ganun din naman kalaki. Kuripot din po talaga kasi ako and kung may ibang paraan para makapagsave or makapagtipid ay ginagawa namin (may ibang personal na gamit lang na aminado ako na medyo magastos ako. Hehe). Yung 1 liter naman na coke sa store na malapit sa amin ay 27 pesos habang dun nga sa isang store ay 25.00 lang. Two times ko na ginawa na dun na mamili sa kanto kasi mas mura, kaso pag daan ko sa store malapit sa amin, tininingnan nila ako kaya naiilang ako. Kaya alam nyo, natuwa ako nung minsan na nataon na closed yung store na yun, para dun makakadaan ako ng walang alangan.
Sa palagay nyo po ba, okey lang na dun na lang ako lagi mamili sa mas mura na store, na hindi ako dapat maalangan kung mapapadaan sa isang store? Siguro kailangan ko na lang siguraduhin na di kami mauubusan ng stock noh?
Ehehehe.
Peace,
Lonie