Ang Aking Unforgettable Workplace Accident

Posted on at


Ang story na to ay pang-WANSAPANATYM muna. Next time na ang pang-MMK ha. XD

Ok, so wansapanataym, bago ako tuluyang naka-land ng job na pang-ofiz sa isang bonggang corporation, nagwork muna ako sa semiconductor industry. Nag-inspect ako ng ICs para sa isang company- (dati second ito, pero ngayon ito ang world's third largest semiconductor manufacturer). May criteria kaming sinusunod sa aming inspection bago iship ang products sa customers tulad ng Nokia, Sony, Samsung atbp. Kamusta naman phones nyo diyan? Hahaha

May kanya-kanya kaming table para sa inspection. May mahabang fluorescent lamp sa aming mga table. One afternoon, kinailangan kong mag-CR break kaya i switched off yung light sa table ko to conserve energy. (bait ko noh?) Then pagbalik ko, pag-on ko ng ilaw, bigla tong nahulog and nabasag. Ayun sabog ang mga bubog sa face ko (kasi 1 foot away lang). Ang worse pa kasi un ibang bubog ay nagTRESPASS sa aking eyes. Waaah, ang chakit. Nagulantang ang buong area at nilapitan ako na para akong celebrity. Pinapikit nila ako at inalalayan ako ng aking superiors papunta sa clinic. Bawal dumilat! At sa clinic, ayun kahit delikado, binuhos ng nurses ng bongga ang 1 buong bottle ng visine sa eyes ko para mabawasan ang bubog. Ouch! They decided na itakbo ako sa hospital.

Nataon na umaambon noon, at ayun taga-payong ko na naman ang aking bosses. Mahal na mahal talaga nila ako. Sinakay ako sa bonggang car ng company. Nakarating kami sa hospital and doon ay nacheck ng eye doctor ang eyes ko. Nakita ang maraming sugat and sabi niya lucky ako kasi di napuruhan ang aking iris. Nag-prescribe siya ng ointment para sa aking eyes. Alam nyo ba, kinabukasan ay nagreport pa din ako sa work? Ang sipag ko pala talaga noon.

Salamat kay God kasi He saved me. Nag-stay pa ako sa company ng bale four years after ng accident. Pero nung 2011 nagdecide na ako lumipat ng office work. Then last year, nagresign din ako dahil sa isang kakatawang reason at ngayon eto, isa na akong homebased freelancer, part time piano tutor, and  "palpak" networker.

*Naalala ko lang to, dahil sa isang post ko sa bula na nabasa ko kanina nang may hinahanap ako.



About the author

Lonie

I am a music lover... a woman who thanks God every second of my life for His unconditional love.

Subscribe 0
160