Ang blog tungkol sa cutie pies

Posted on at


Isang Wholesome Na Blog

Una sa lahat, kung hindi ka familiar sa writing style ko dito sa bit, siguro ay nagtataka ka kung bakit kailangan ko pa talaga i-indicate na isa itong wholesome na blog. Ang reason ay madalas kasi, nasisingitan ko ng konting kapilyahan ang aking mga blogs. Hindi naman anything R rated, wag kang mag-alala, wala naman akong balak ma-ban dito no! Yung may singit lang minsan ng konting banat na may double meaning para mapangiti ang nagbabasa. Kung na-curious ka kung anong klaseng mga kapilyahan sinasabi ko, ito ang dalawang examples ng mga blogs ko na ganun:

Natuwa kasi ako gumawa ng separator etchos...

Nagugutom na ako!

Nabasa mo na ang dalawang yun? Oh di ba hindi naman masagwa. Tamang patawa lang. Anyway, dahil nga mejo , ehrm, green ang content ng mga yun. Naisipan ko naman na ibahin naman today. Ngayon ay nakapa-wholesome ang topic dahil tungkol sa dalawang cutie pies namin ni hubby ang usapan. Oh diba? Cuteness overload naman ang style! Humanda ka na mapa-smile sa cuteness!

Cutie Pie 1

Ito si Kuya. Ang pogi nya no? Chumi-chinito effect kahit wala naman kaming lahing Japanese or Chinese. Ang kulit nyan, super. May sakit nga yan ngayon eh, pero parang wala lang. Mapapa-smile ka pa din sa mga nakakaloko nyang mga dance moves. Pag ito ang kasama ko habang nagbi-bit ako, nalalaman pati ng kapitbahay ang buzz score ko. Eh kasi tuwang tuwa siyang ina-identify ang mga numbers, kaya ayun, ang buzz score ko ang pinagsisigawan nya.

Cutie Pie 2

Ito ang bonggalicious cutie girl ko. Toroy ng smile no? Pa-demure effect. Pero in fairness, demure nga siya, hindi tulad ng kuya nya. Hahaha. May style pa yan na pagkatapos mag smile eh sabay turn away ng head parang nahiya lang. Etchusera. Kaya din siguro may pagka-shy type itey eh nung shontis ako sa kanya, natuklasan ko na ang world ng writing online at trip na trip ko nun magpaiwan sa bahay as much as possible. Sa maniwala ka o sa hindi, nakapagpost pa ako ng article habang naglelabor ako sa kanya. Nandun pa nga sa site na yun yung post ko na yun eh.

 

Pero wag na nating pagusapan kung anong site yun... bawal ang bad vibes sa blog about sa cutie pies ko eh. Hahaha. Oh diba sabi ko sa yo cuteness overload style ko ngayon eh. Hong cu-cute nila no? 



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 0
160