Ang blog tungkol sa napakalaking problema ko...

Posted on at


Bago ang lahat pwede ba nating pansinin ang colors ng cover photo ng blog na itey? Ong gondo no? Green na may pink sparkles with a dash of purple. Beking beki. I love it! Sa paint.net ko yan ginawa. Program po iyon, pareho ng photoscape at photoshop. Libre siya, which is masaya for someone na kasing kuripot ko. Haha. Ganun talaga pag kuripot, kung san ang libre, gora!

Actually, may kinalaman sa software na yan ang blog na ito. Eh kasi nagtopak ang PC namin two days ago. Yun yung dahilan bakit bigla akong nawala. As if napansin mo absence ko. Che! Haha, tampo daw oh! Parang mag-jowa lang. Anyway, ayun na nga. Nasira ang PC. Topak na hindi naman daw virus pero may nakita akong blue screen. Ang alam ko eh pag may blue screen, masama yun. Yun lang alam ko haha.

So pagkakita ko kay blue screen, tawag agad kay hubby. Siya na bahala sa the rest. Hindi naman ako techie eh. Malay ko ba jan sa mga RAM, specs, hard drive, OS, at kung ano ano pang techie term jan. Basta ako nakakapag-net at nakakapanood ng videos, ayos na yun para sa akin. So ayun, biglang sabi ni hubby, reformat na natin ha? Ako naman, sige go! Nakasave naman ang mga files ko sa external drive.

Eh kaso, hindi ko pala na-save dun ang paint.net at photoscape. Nga nga. Buti na lang may mga nagawa na ako in advance tulad nung lettering etchos sa blog na ito. Kaya ngayon, download nanaman ang peg ko. Dahil hindi ako kuntento na magpost na walang eklavushells. Yung mga eklavushells na ineedit ko gamit ang paint.net. Importante yun eh. Haha. Akala mo kung anong problema na no. Exag lang yun para masaya.Bakit, artista lang ba ang pwede maging OA? O sha, ipapagpatuloy ko muna pagdadownload ko.



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 0
160