Sa wakas nakapag-blog na ulit! Yahoo! Hong soyo nomon. Pasensya na mga ka-bits ha. Eh kasi naman lakas ng trip nung dating part timer na baby sitter namin eh. Napagisipan nya nung una na aabsent sya. Eh di okay, eh di fine... May magagawa pa ba ako kahit walang abiso?
Waley. Wala na talaga akong nagawa kundi tanggapin ang katotohanan na shift mode kami ni hubby sa dalawang bulilit. In fairness, magaling magalaga ng bata si hubby, hindi lang sa paggawa ng bata magaling. Hahaha. Ano bey yen bagong taon na hindi pa din ako nagbabago.
Anyway, after ilang araw na hindi sumulpot biglang sinabihan kami na hindi na daw sya susulpot ever. As in ever talaga haha. Kesyo marerecruit daw siya abroad sa isang agency eme eme. Oh di ba antagal na pala pinagplanuhan, ni hindi man lang kami sinabihan na "siya nga pala, hanap kayo ng kapalit ko soon kasi baka makapagfly fly na ako at hindi ko na kailangan kakapiranggot na sweldo na kaya nyo".
Bait mo girl. Pak. Pero dahil mabait kami ni hubby sinabihan na lang namin siya ng goodluck at mag-ingat dahil madaming nas-scam ng mga pekeng recruitment agencies. Syempre kahit ganun ginawa nya eh ayaw naman naming mapunta sa wala ang effort nya sa pag-apply at ang pera na hinalo halong ipon, utang, at benta ng parents nya na mga hayop at kung ano ano pa.
So ayun. Yun lang naman ang quick update tungkols sa dati naming part timer. Alam ko wala siyang significance sa buhay mo pero keribelles. Naaliw ka pa din naman sa kwento ko, so ayos na din diba? Haha.
O nga pala, may bago na kaming part-timer. Pamangkin ni ateng miunes. (Kung hindi mo kilala si ateng miunes basahin mo ito. Click mo lang ang blue link etchos na yan.) actually madami agad akong kwento tungkol sa bagong part-timer. Pero deserving na yun ilagay sa susunod na blog. Abangan! Hahaha.
Edit:
Huwag mo na abangan, nandito na yung sequel, masyado kasi akong atat eh. Haha. Oh click mo na lang ang link: Ang Bagong Part Timer. Double Bow.