Ito na ang last part ng aking pinaghirapan na tutorial blog! Nandito ang first and second part:
Ginawa ko mga yan kasi dati pa akong tinatanong kung paano ko ba ginagawa decors ko kaya ito na ang sagot. Napaka haba ng sagot no? Ako na ang may award. Ako na ang Hillary Jr. Haha.
Oh siya tama na yang kalokohan na yan, balikan na natin si Photoscape. So after mong makapag edit ng image kay Photoscape (kung hindi mo nabasa ang part 2 maguguluhan ka dito) ang itsura nya ay pareho na dapat nung picture sa ilalim ng paragraph na itey. Oh di ba may red arrow agad, hindi yan kasali sa screenshot ano ba! Guide ko lang yan para sa iyo. Ibig sabihin, yan na ang next step. Click mo na yung tab na may nakasulat na "combine" (yung tinuturo ni red arrow)
Bago ka magpakasaya na na-click mo na ang "combine" may isa pa akong ipapaclick sa iyo. Yung "side" na tab. Itong tinuturo ni red arrow. Kailangan yan i-click para yung mga doodles eh magkakatabi at mukha talagang separator etchos.
Pagkatapos nyan, hanapin mo na yung folder ng picture/pictures na gusto mong ipagsama sama para makagawa ng separator etchos. So sa example ko ditey, yun yung may arrow na may number one. Pag nahanap mo na yung folder, i-drag mo na yung pictures na gusto mong ilagay sa separator etchos papunta dun sa area na tinuturo nung arrows na may number 2. Mapapansin mo na maraming arrows yung number 2 kasi gusto ko lang paulit-ulitin si blue semi-smiley face, kaya paulit ulit ko siya dinrag dun sa white space.
Ganitey na dapat ang itsura pag magkakatabi na ang doodles. Wag kalimutan i-adjust ang length by using yung part na naka-red arrow para hindi naman sobrang laki ng separator etchos mo. Usually pag nasa 1000 pixels na yung width ng etchos ko keribelles na yun (yung nasa example eh 1008 na ang haba nya at 172 ang height.)
Kung nabasa mo ang first two parts eh alam mo na siguro kung ano ang susunod na step. Shempre, ang pang-sigurista na move. SAVE EEET!
Tapos nun tapos na! Pwede mo na iinsert yung nasave mo na etchos sa MBs mo o kaya sa blogs mo. Tulad nito:
That's it pancit! Oh siya, tutulog na ako at napagot ako sa paggawa nito! Babelch ka-bits! Next blog ko back to regular ka-pilyahan na hahaha.