Mahalagang Paunawa: Kung kayo ay medyo bata pa, marapat lamang na huwag niyo ng ituloy ang pagbabasa ng blog na ito sapagkat ang mga susunod na konteksto ay Rated SPG.. sa mga nagda-diet! Hahaha!
Anyway, naka-ugalian na kasi ng mama na mag-uwi ng pasalubong everytime na pag-uwi niya galing work. So random ang pasalubong niya lagi at nasanay naman na kami dun. Kadalasan sa mga pasalubong niya eh chocolates, mamon, pastillas cakes, biscuits o brownies. Lahat ng ito; either bigay or dahil may nag-alok binili agad (alam naman natin ang mga mommies!) Kagabi ang uwi nya eh, small packs ng Ferrero at Yakults. Ang ikinagulantang ng buong pamilya ay ang mani na nasa maliit na container, yung lalagyan ng homemade peanut butters! Mahilig kasi silang kumain ng mani. Mainit-init pa ito nung pagkalabas nito sa bag. Plus may kasamang spices yan! (parang takeout ng Andoks na may kasamang sauce)
Bagong pakulo ito nung manong na nagbebenta ng mani. Sa halagang 50 pesos may mani kanang papapakin! Mabenta naman daw dahil napapakyaw lalo na ng mga nago-office. Akala ko lugi kasi sobrang dami pero maliit lang daw ang puhunan!
Ano pang hinihintay? Magbenta na tayo ng ating mani! HAHAHAHA!
END.