Ang Nakakalokang Kwento Ng Macaroni Salad

Posted on at


Ang Macaroni Salad... Bow.

Ito ay isang kwentong nakakaloka. Umpisahan na natin...

May mga ka-bits siguro na nakakaalam na hindi ako marunong magluto. As in, yung iilang beses ko na nagluto eh puro finollow ko yung instructions sa mga recipes na nahanap ko. Tapos kinopya ko talaga lahat ng instructions, bumili pa nga ako dati ng measuring cup para lang makapagluto ng adobo. Sobrang shunga ko kasi pagdating sa pagluluto. At this point siguro may kontrabida na nagiisip kung paano ako nakapag-asawa ng hindi man lang ako marunong magluto. Che! Eh sa ibang bagay ako magaling eh, bakit ba... (naku naiimagine ko nanamang tumatakbo ang mga green na utak ng mga ka-bits... kayo talaga!)

Anyway, dahil hindi nga ako marunong sa kahit anong gawaing kusina, nagtanong ako kay ateng na kapitbahay namin kung  marunong ba siyang gumawa ng macaroni salad. Helpful naman si ateng, binigyan nya agad ako ng list ng bibilhin at pag nabili ko na daw ay tuturuan nya ako... ayos di ba? Ngunit... subalit... datapwat... Ito po mga ka-bits ang picture ng list. Ayan pinicturan ko para hindi nyo sabihin na exag ako. Ito ang exact list na binigay sa akin ni ateng. Sa likod ng karton nya pa talaga sinulat, kalurkey:

Bibigyan muna kita ng ilang minuto para i-absorb ang nakasulat.... Ano... okay na ba? Lupit no? Pagbigyan na natin ang "macarone" at "condence". Actually, kahit yung "crems" willing ako palagpasin eh. Pero ateng, saan mo naman ako papabilihin ng "fruit packtil"?! At ang pinakahuling ingredient... ito. Ito ang tagal kong pinagisipan, swear. "Miunes". Hindi ko yan i-co-correct. Bahala na kayo mag-decipher nyan. Para exciting. I swear, pag na-realize mo kung ano ang "miunes" maloloka ka.

Ano, nakuha mo na? Ang saya no? Pero in fairness, mabait si ateng at after kong nabili ang mga yan ay tinuruan nya talaga akong gumawa ng macaroni salad. Ang shunga shunga ko pa nga sa kitchen so ilang beses nya akong nasigawan pero sa loob loob ko okay lang. At least alam ko totoong spelling ng "miunes". Haha. Nga pala, apples ang separator etchos ko. Dinagdagan ko kasi ng apples yung macaroni salad para ma-feel ko naman na minodify ko ng onti yung macaroni salad sa recipe ni Ateng Miunes.



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 0
160