Ang Paborito kong Basketball Player

Posted on at



 

 

Ang Paborito kong Basketball Player

 

Siyempre tinatanong pa ba yan! Si Abet Guidaben!!!!! Loko lang.
Nung namulat ako sa basketball, uso nun Chicago Bulls at Ginebra/Gordon’s Gin.
Siyempre paborito ko si Michael Jordan. Sino bang hindi? Sa PBA naman
si Marlou Aquino saka Noli Locsin! Pero ito yung mga naging paborito ko at
ginaya yung style nila sa paglalaro.

Sa NBA, una kong naging idol si Derick Coleman ng New Jersey Nets
kasi siya yung pinakauna kong NBA Card. Sunod si Shaquille O’Neal nung
nasa Orlando pa siya at medyo malapit na lumipat sa Los Angeles Lakers.
Mahilig ako gumaya sa mga moves ng power forward at centers kasi yun
yung position ko nung elementary at highschool days. Favorite ko gayahin
yung post-move ni Kevin Garnett at Tim Duncan. Saka naging paborito ko
yung number nila na 21 at ginamit ko pa yung sa e-mail ko. Nung 2002-2005 era,
si Dirk Nowitzki yung idol ko. Kaya ako nagpractice sa 3-points dahil idol ko siya.
Sumali pa nga ako sa 3-point shootout nun pero naka 10 points lang ako out of 30 hehe.
Nung 2005-2010, di ako masyado nahilig sa basketball pero pinapanood ko pa din
yung highlights nila Amare Stoudemire at Dwight Howard. Tapos ngayon, favorite ko
naman si Kevin Durant, Carmelo Anthony at Tyson Chandler. Sa mga guards naman,
favorite ko talaga si Chris Paul at Derrick Rose.

Sa PBA, si Marlou Aquino at Noli Locsin talaga yung idol ko mula 1997.
Tapos nung nawala sila, naging fan ako ni Eric Menk at Rudy Hatfield
kasi solid sila maglaro. At si Asi Taulava din pala. Mga dambuhala sa
hardcourt. Mga bakulaw na Fil-Am na hina-hunting ng immigration hehehe.
Ngayon idol ko si Japeth Aguilar kasi nag-dunk siya nung matindi yung
depensa sa kanya ni Kevin Durant nung Smart All-Star weekend nung 2011.
Sa guards, idol ko si Chris Tiu kasi magaling siya mag-host sa i-Bilib.

Pero idol ko talaga si Abet Guidaben.
Magaling yun mag fade-away dunk at 360 free throw.

 

Ikaw sino idol mo?

 

\\^_^//



About the author

shy_melkie

Simple woman with simple dreams.

Subscribe 0
160