Ang Pag Edit ng Pictures Gamit ang PhotoScape (Prequel sa pag gawa ng separator etchos)

Posted on at


Part two ito ng three part etchos ko about how to make a paragraph separator/MB decoration. Yun yung mga doodles doodles na nakikita ninyo sa mga MBs at blogs ko. Gusto ko siya i-share kasi baka gusto ninyong magsubmit ng blog eh si Hillary mukhang natutuwa pag nakikita nya na makulay ang blogs pero at the same time, gusto nya original ang content so mas maganda kung sarili mong drawings ang gamit mo. Pwede rin namang photos kaso ako kasi hindi photographer eh, madalas blurred pag ako kumukuha ng pic, haha.

Ito yung first part: http://www.bitlanders.com/blogs/umpisahan-na-ang-tutorials-prequel-sa-pag-gamit-ng-photoscape/2664141 pero pwede mo naman yang i-skip kung gusto mo na dumeretcho sa pag gamit ng photoscape.

So yun na nga, let's say nakapag download ka na ng Photoscape at ito ang nakita mo pag open mo sa photoscape na program:

Oh diba andaming choices! Ano ba ang pipiliin mo jan! Andaming etchos! Relax, meron akong magical red arrow to guide you, para siyang fairy godmother at ikaw si Cinderella.... bonggels! Oh ayan, ayan daw ang i-click mo:

Pag na-click mo na yan, ito na ang magiging itsura nyan:

So at this point, hanapin mo na lang yung folder nung picture na sinave mo na gusto mong i-edit. (See arrow 1) pagkatapos double click mo yung picture na yun (see arrow 2)

Tapos ito na yung fun part. Explore explore mo na yung mga options sa ilalim (see yung kagulo na werla arrows below) para maiba iba itsura ng drawing mo:

Basta pag na-click mo mga yan madami pang mga ibang options na nagsisilabasan, wag matakot sa mga yan, gora lang ng gora:

Kapag natuwa ka na sa resulta ng pag-aadik mo sa pagpipindot, eh di shempre i-save mo na. Yan naman ang ending parati eh, may save na nagaganap.

Oh ayan, isang blog na lang at maipapasa ko na talaga ang magical secret ng aking mga etchos etchos. Yahoo! Kung excited ka na basahin yun, ito na: http://www.bitlanders.com/blogs/ang-final-part-paano-gumawa-ng-separator-etchos/2664740



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 0
160