Ang Pagcocollect Ko Noon ng Lyric Magazines

Posted on at


Dahil sa nakasulat na ako ng article about dito sa CGP Gallery few months ago, isusulat ko na ngayon ito in Tagalog dito sa Bitlanders. Sa mga nakabasa na nito sa CGP, pagpasensyahan nyo na kasi natatamad ako at di makaisip ng bonggang bagong topic ulet ngayon.

Isang araw kasi, hinahanap ko yun naprint ko na copy ng lyrics with chords nung song na ni-search ko sa google. Hindi ko sya mahanap sa tabi ng portable keyboard ko, kaya alam ko na kung san ko hahanapin - sa room ni bro ko. Sa aking paghahalungkat sa kanyang table ay nakita ko mga lyric magazines na ito. Naalala ko tuloy ang high school days ko dahil isa ako sa mga mahilig magcollect ng song hits noon. Two magazines yata kada isang buwan kung bumili ako noon. Favorite boybands ko noon ang NSYNC at The Moffatts. Pero nung freshmen pa lang kami, Moffatts talaga ang kinababaliwan ng classmates ko. Lagi nilang kinakanta un hit song ng Moffatts na "I Miss You Like Crazy".

Ngayon, di na ako namimili ng lyric magazines. Uso na kasi ang Google. Hehe. Pag may song na gusto kong matugtog, sinesearch ko na lang ang chords and lyrics sa google.



About the author

Lonie

I am a music lover... a woman who thanks God every second of my life for His unconditional love.

Subscribe 0
160