Ang pagpuna sa Maling Grammar O English

Posted on at


Trending or kumakalat ngayon sa Facebook ang picture ng isang babae na naka pose na naka upo at nakabukaka sa kalsada sabi nya "Education is important but works at freelance model is importanter" suppose to be dapat "Education is important but working as a freelance model is most important to me" tama ba ko? Hindi din naman kasi ko perfect or fluent mag English. Kaya wala ako sa lugar pra pintasan si ate, actually di ko napuna agad yung mali nya kasi sa singit nya ko nakatingin.

Sana di nyo na sya binully, intindihin nyo di nga sya nag aaral kasi nag wo-work na sya may mga reason yon baka nagkamali ng type at di na edit or tlagang di ganun kagaling sa English si Girl, bat tayo ganun? Yung mali ng iba nakikita natin ganun yung mali natin ayaw natin pansinin.

Iniisip ko pano kaya if ako me mga maling grammar o spelling sa post ko,sa mga status ko at blogs, me nag kakalat kaya o namimintas. Sana kinorrect nyo ko o yung girl., kesa ikalat yung pagkakamali at pagtawanan. Wala kayong pinag kaiba sa kanya di din kayo nag iisip bago mag post o mag share. Pasensya na ha medyo na kakarelate kasi ko ke gurlus, kayo ba perfect?!  Di nyo ba naisip na pedi pa kayo maging mas masahol sa kanya, sya aminado di na nag aaral kasi nga ubligado na sya mag work eh kayo me pinag aralan at feeling matatalino, pero di nag iisip kung maaring makasakit ng kapwa.

Sakit na natin yun, ang makita agad ang mali ng iba at pagtawanan ito, pero gusto ba natin mangyari sa inyo yun? Ako hindi, kaya ayaw ko maki trending sa inyo sa pamimintas nyo sa kanya.

Mag isip din muna kayo bago mamintas, pumuna, at maki share sa kalokohan ng iba. Walang perfect sa mundo lahat tayo mekanya kanyang pagkakamali at kapintasan. Ang mali ay di maitatama ng isa pang pagkakamali, maigi pang bobo sa English kesa maging masama ugali hindi ba?

 

 



About the author

bernalyn-dl-bautista

Simple but talkative, business minded & hard working.

Subscribe 0
160