Ang Papapaliwanag

Posted on at


          Pansin naman ng karamihan na wala akong masyadong posts sa mb's diba? Ganito kasi yun, kung nabasa nyo ang previous BLOG ko, Eh di alam nyo na ang pattern ng trabaho ko. Duty week ko kasi last week kaya busy ako at ang hina ng connection ko sa internet. Kasi pocket wifi lang ang gamit ko. Oo, yang walang kwenta minsan ang ginagamit kong pang internet.

           Naiinis nga ako kasi ang loading pag nagbibit ako. Pag nagdodownload din ako ng videos eh inaabot ako ng 30 minutes or more. Minsan nga eh nag eerror pa sa kalagitnaan ng download o kaya 80% na at malapit ng matapos. Parang tamang-tama yung Sun Broadband dahil maarawan talaga ako sa paghihintay. Hahaha.

          Sarap ngang itapon eh pero sayang din kaya hanggang inis nalang. Kaya ginawa ko nalang ay nag dodownload nalang ako ng "vines" kasi short lang yung duration nun, mostly around 7 seconds lang. Madaling e-upload, madali ring idownload. Parang same nga kami ng pinagkukunan ni Saori Sam eh. Hahaha. Kung gusto nyo puntahan nyo rin xa. :)

           Di ko rin laging nagagamit ang pocket wifi na yan kasi share kami ng kapatid ko. Half day sa kanya, half-day sa akin kaya di rin ako laging nakakanet gamit yan.

 Meron pang isang pantawid-buhay ko dito sa bit. Ang kaibigan kong si piso-net. Sa limang piso lang may 20 minutes na kaligayahang bigay yan. Hahahaha. minsan nga nkakagastos ako ng 60 pesos para lang makanet kaya di ako laging gumagamit nito kasi nauubos yung pera ko. Nag pipiso net lang ako kapag ginagamit ng kapatid ko ang pocket wifi or mahina talaga ang connection nun. Nag uupload lang ako ng videos and pictures dito sa bitlanders at konting libot. Pagkatapos nun aalis agad ako. 

 

 

Sinabi kong pantawid buhay kasi kinocontrol ko na di bumaba masyado ang bit score ko. Pansin nyo sa baba ang pagtaas baba ng score ko dba? ang ginagawa ko lang eh consistent ako sa pag uupload sa movie, mb, and gallery section. Napansin nga yun ni Riza eh . hahahaha.



About the author

Migi

Hemodialysis Nurse

Subscribe 0
160