ANG PILYONG SI LOREN
Noong unang panahon ay may isang haring nagngangalang Solomon.
Mayroon siyang nag-iisang anak na lalaki.
Ang kaniyang pangalan ay Loren,
si Loren ay napakapilyong bata at ang lahat ay naiinis sa kanya.
Isang araw ay naglibot si Loren sa kanilang nasasakupan
kaya’t ganuon na lamang ang takot ng lahat.
Dahil baka kung ano ang kaniyang gawin.
Tama nga ang mga taong nakapalibot sa kaniya
sapagkat mayroon itong ginawang kalokohan.
Sa may daanan ay nag-iwan siya ng balat ng saging kayat nadulas ang mga dumaraan.
Kaya’t ang mga dala nilang mga gulay, prutas at mga gamit ay nangagkatapon.
Hinabol si Loren ng mga kawal ng hari upang siya ay isumbong sa kanyang Ama
ngunit masyado itong maliksi at magaling na magtago.
Nagtagal ang habulan sa pagitan ni Loren at nang mga kawal ng hari
hanggang sa sila ay makarating sa kagubatan.
Hindi alam ng mga kawal ng hari na si Loren ay marami palang
mga patibong na nagawa sa loob ng kagubatan dahil siya ay laging nanduon.
Unti-unting nahulog sa ibat-ibang patibong ni Loren ang mga kawal ng hari.
May nahulog sa loob ng butas at hindi na magawang makaahon.
Meron din namang nakakita ng ahas at sa sobrang takot ay humandusay
na lamang at nagtatatkbo pabalik sa palasyo ng magising.
Ang ilan naman ay nahuli ng bitag na tali ay nagging palamuti
sa mga puno na parang mga christmass balls na nakabitin.
Walang nakahuli kay Loren kaya’t umuwi na lamang
ang mga kawal ng hari na lulugo lugo.
Dinaig pa nila ang mga kawal na nakipaglaban sa isang
labanan ng mga hukbo dahil sa sobrang pagod na kanilang nadama.
Pagdating sa palasyo ay isinumbong nila ang kapilyohang ginawa ni Loren
sa kaniyang ama. Mula sa silid ni Loren ay ipinatawag siya nang kaniyang
ama at sinabing kung kaniya pa itong uulitin ay itatakwil na siya bilang anak
ng hari. Dahil ayaw ni Loren na siya ay mapalayas sa palasyo ay pinilit na
ni Loren na maging mabait at tumutulong narin siya sa mga taong gumagawa
sa loob ng palasyo.
Magmula nuon ay hindi na naging pilyo itong si Loren at kinagigiliwan na rin
siya ng mga tao sa kaniyang paligid napaka saya pala ng ganuon ang sabi ni Loren.
- WAKAS -