Ang pinagmulan ng Mindoro
May isang bundok dito sa Pilipinas na mayaman sa, mga mina, dito mo makikita
ang matatabang hayop, at ang bundok na ito ay isa sa pinakamatabang lupa kaya
mataba din ang mga halaman.
Minsan may isang kastila ang umakyat at namasyal dito, nakita niya na mayaman
ang lupa kaya binangit niya ang "Mina De Oro." narinig naman ito ng isang
magsasaka at ginaya niya ang kastila.
Paulit-ulit niyang binangit pero hindi niya ito masabi kaya ang nasabi
niya ay MINDORO.