Ang pinagmulan ng Navotas
Noong araw ay may isang biyahero ng isda. Para hindi siya maunahan
sa mga isda, Sinasalubong niya ng kanyang bangka ang mga
mangingisda sa laot.
Isang madaling araw habang binibili niya ang kalakal ng isang
mangingisda ay nabutas ang kanyang bangka, hindi niya ito napansin,
nang nabasa ang kanyang paa napasigaw siya ng
"Diyos ko po, nabutas! nabutas!" akala naman ng mga dayuhan
ay sumisigaw ang lalaki ng papunta ng "nabutas" kaya tinawag
nila itong NAVOTAS.
◕‿◕