ang sarap maging GURO

Posted on at


being a TEACHER was not really my dream.. it was my father's dream for me.. nung una ayaw ko.. iniyakan ko pa yun nung magka-college ako.. sabi ko ayoko. mahirap magturo, puro aral, kakaiba ang mga co teacher, mahirap pakiamahn ang magulang at kung anu anu pa.. pero i was wrong.. when i had my practice teaching dun ko nalaman na mahirap pero masarap.. masaya maging guro.. fulfilling.. kakaiba. 

ang saya pag naging importante ka sa mga students mo.. ang saya na nababago mo ang buhay nila.. ang saya na gusto nila ang way ng pagtuturo mo.. ang saya na masaya sila habang nasa klase mo.. 

akala ko ako na ang pinaka masungit na teacher haha.. lagi kasi ako nagagalit.. at nakikita ko na natatakot sila sakin.. pero di ko alam di lang pala puro ako galit..nakakatulong pala ang pagpapatawa ko sa klase..ang mga activity na ikinatutuwa nila na kung saan saan ko lang naman napupulot at naiisip haha! 

di ko alam na ganun ang impact ko sa mga student.. mabait daw ako.. yun ang lagi nila sinasabi.. sa kabila ng galit at pagsusungit ko sa kanila mabait padin ako sa para sa kanila.. kaya nga pag may nagsasabi na ibang section na di ko hawak na masungit daw ako ipagtatanggol agad ako ng mga students ko. haha di daw nila ako kilala kaya wag ganun.. 

naalala ko 1 time nag sub ako dahil may absent na teacher.. 1st time ko ihandle yung section na yun. nakita plang nila ako nglalakad papunta sa rum nila nagsisigawan na.. "ayan na si mam rojo, ayan na si mam rojo" pag pasok ko sa rum tahimik agad sila and the lesson went smoothly kahit na sinabihan ako nung subject teacher nila na worst section sila.. 

ngayon nagpapasalamat ako sa tatay ko dahil kung di nya ko pinilit siguro hindi ako magiging masaya sa kung anumang course na kinuha ko nun.. salamat dahil fulfilling pala maging teacher.. 

salamat sa mga students ko na pinaramdam nila na mahal nila ako specially nung namatay ang anak ko.. maraming salamat dahil sinuportahan nila ako.. pinuntahan sa ospital.. nakiiyak..pumunta sa burol.. nakiramay at nakipaglibing.. 

totoo nga ang kasabihang LOVE begets LOVE.. kaya maraming salamat sa lahat ng students, naging students at magiging students ko na nagparamdam na mahal nila ako.. siguro dahil dati palng naramdaman din nila na mahal ko sila kaya ganun din sila sakin.. thanks God for surrounding me with such beautiful people.. 

kaya masasabi ko..

ANG SARAP MAGING GURO!



160