Ang Trip Trip Na Nauwi sa Totohanan

Posted on at


This story is based on my real life. Hindi ko nga alam kung dapat ko to i-blog kasi nahihiya ako.

This story happened 3 years ago so I was 4th year highschool during that time. Ako yung uri ng tao na kakainisan mo sa saobrang kulit. Mahilig ako magpatawa sa klase at sa mga outings or inuman namin hindi daw masaya pag wala ako. (Ay pinuri yung sarili? Hahaha).

Halos lahat ng kaklase ko tropa ko. But of course may bestfriends din ako, madami! In this group of bestfriends, bigla na lang namin napag-isipang mang-trip. Yung trip na nakakainis para sa karamihan pero sa iba ikasasaya nila. So we all agreed to do our plan.

Tenenen! The Plan: We're four in this group but we're just three who agreed to pursue this plan. Manliligaw kami. Tig-isa per person. Pag napa-fall na yung girl iwan sa ere na. That's it! 

(I bet naiinis na mga nakakabasa nito! Hahaha)

Well yun, nangyari na nga. Kuhaan ng number. Mga pagpapakilala. Pa-pogi, pa-impress hanggang sa naging mutual na yung feelings. Kada gabi magkatext at call. Naging special friends. Kapag nagkakasalubong sa canteen may awkward moments but deep inside may kilig.

(Yung part ko na lang ikukuwento ko)

Honestly, first time kong manligaw that time. Kasi wala pa talaga sa plano ko ang ganong uri ng bagay. Kung meron man eh fling sa text lang. Yung napunta sa 'king girl eh sobrang patay na patay pa pala sa ex niya so that time na-discover ko na parang past time niya lang ako. So dahil dun nag-try ako mag effort. Hindi ko namamalayan na yung effort na ginagawa ko eh sobra na pala para sa larong trip trip lang. May meaning na pala sakin hanggang tuluyan na talaga akong na-fall sa kanya. Lumalim na feelings ko sa kanya hanggang napakilala na niya ako sa mommy nya thru text. Minsan kami pa nga nagtetext at nagtatawagan ng mommy nya. Ang alam ko sabi ng bff nung girl boto mommy nya saken kasi feel nya daw sincere ako. Totoo naging sincere na ko that time. Yung trip na plano namin nawala ng lang bigla.

Medyo matagal din akong nanligaw then one day napansin kong parang may nagbago sa kanya. Parang nasa MU stage na. Yun pala medyo nagiging okay na sila nung ex niya. Friends na ulit. Pero sobrang mahal na mahal ko na siya that time. Yung tipong umiiyak ako kada gabi kasi parang lahat ng ginagawa ko nababali wala. Honestly kinahihiya niya nga ko makasama sa campus eh. Pero kahit ganun hindi ko pansin kasi mahal ko siya. Then sinagot niya lang daw ako dahil naaawa siya saken ksi graduating na ko that time </3

Classmates ko pinagsasabihan na ko na tumigil na daw ako. Naalala ko nga yung mukha nung kaklase kong babae na tinitigan ako habang iniiyakan ko yung girl. "Mahal mo ba talaga? Akala ko joke joke nyo lang?" Tanong niya.

Marami pang nangyari. Parang pinaka shortcut lang to nung buong pangyayari. Bandang mid-September ko na-realize na hindi na pala tama yung ginagawa ko. That last day iniiyak ko na lahat ng kaya kong iiyak. Ako lang mag-isa. Till nakahinga ako ng maluwag and made a promise to myself na ito na ang last day na iiyak ako dahil sakanya. Kinaya ko. Natauhan na ako. Bumalik na ako sa dating ako.

Ito pala yung LOVE na sinasabi nila. Masakit nga pag di para sayo. Ang dami kong naging crush/puppy love. Para sakin ito ang First Love ko. Never in my life na na-experience ko to, this is the only time. Ito yung first time na nakita ko na ganito pala ako umibig Ito yung first time na masakit. Ito yung first time na may natutunan ako. 

I think itong girl na to, may reason kung bakit siya naging parte ng buhay ko. To remind me na ang love hindi laro at hindi trip trip lang. Karma strikes me and left me with a lesson I could never forget.

Bandang February nagka grilfriend ulit ako but yung love na na experience ko sa una hindi ko ma-feel so feeling ko naging biased ako. Iba talaga ang first love. But this time I learned my lesson and I stayed loyal to her naman. After ilang months nag-break kami kasi ang hirap ng LDR. Siya ang last GF ko. And now 3 years na kong single. At kung maiinlove ulit ako gusto ko ma-feel ulit yung naranasan ko nung First Time.

 

THE END.

 

This is my story. Sana may natutunan kayo :)



About the author

Rhanz

I simply love hanging out over the internet discovering new stuff and meeting new friends!

Instagram: @rhanzferrer
Twitter: @ranzferrer

https://friendiary.wordpress.com If you're free please visit my blog. Though I stopped writing for like 5 months. I will find time to update it. :)

Subscribe 0
160