Ang Washi

Posted on at


Ang WASHI ay nag- ugat sa mga salitang Hapon na " Wa " na ang ibig sabihin ay " Japanese " at  " SHI " na ang kahulugan naman ay " PAPER " 

Sa China daw unang ginawa ang papel noong unang siglo at ang sining na ito ay dinala dito sa Japan ng mga Buddhist monks na gumagawa nito para sa pagsusulat ng mga sutra .

Ginagawa ang Washi ng mga Hapon na gamit ang kanilang mga kamay . Sa ngayon ay ilang komunidad na lamang sa Japan ang mga gumagawa nito .

 

Ang WASHI ay gawa mula sa mga hibla ng KOZO TREE o paper MULBERRY at ginagamit sa paggawa ng mga sulat , libro , paper screens , room dividers at sliding doors . Binababad ito sa malinaw na tubig - ilog , pinapakapal at sinasala sa pamamagitan ng BAMBOO SCREEN .  Pinapatuyo ito sa kahoy o metal boards . 

 

 

 

 

 



About the author

160