Ano ang Love at Marriage?

Posted on at


Ang kwentong ito ay ayon kay Pastor Avel S. Marasigan of PENIEL CHRISTIAN BAPTIST CHURCH MISSION.

Si Nene nagtanung sa Nanay niya..

NENE: Nay...what is Love?

NANAY: kung gusto mong malinawan kung ano ang pag ibig...pumunta ka sa taniman natin ng kalabasa at kumuha ka ng pinakamalaki at pinaka mainam na bunga nito at ibigay mo sa akin... subalit isang beses ka lang dapat tumawid sa kalabasahan natin at wag mong babalikan ang yong mga nalagpasan..

at nagpunta si Nene sa kalabasahan at pagdating sa kalabasahan ay nkakita sya ng kalabasa na malaki at mainam..subalit sa paghahangad na makakita pa sa gawing kalagitnaan ng mas mainam at mas malaking bunga ay nilagpasan nya ito..pagdating sa kalagitnaan ay nkakita sya ng higit na maganda at malaking bunga subalit nilagpasan nya ulit ito sa paghahangad ng mas malaki at mas mainam na bunga sa gawing duluhan.. subalit pgdating nya sa gawing dulo ng kalabasahan ay wala ng mas higit at mas magandang bunga kaysa sa mga bungang nilagpasan nya..naalala nya ang sabi ng Ina na bawal bumalik kayat lumabas sya sa dulo ng kalabasahan na walng daladalang bunga.. at pagdating sa bahay ay sinabi nya sa ina ang ngyari..

NANAY: ganyan ang pag ibig anak... sa kagustuhan natin na makita ang inaakala nating mas mainam at mas mabuti ay hindi natin namamalayan na sa bandang huli ay wala na pala taung mapipili dahil hinayaan natin itong lumagpas.

napatango tango ang bata at itoy muling nagtanong...

NENE : Nay..what is Marriage?

NANAY: anak..ngaun pumunta ka nman sa ating maisan at ganun din ang gawin mo sa sinabi ko sau..

at nagpunta si Nene sa maisan at naghanap ng pinaka malaki at pinaka mainam na bunga ng mais.

at pagdating sa kalagitnaan ay nkakita sya ng katamtamang bunga nito na sa pakiwari nya ay kuntento na sya.. at sa pag aalala na baka mgkamali muli ay pinitas nya ito at bumalik sya sa Ina na daladala ang bunga ng mais..

NANAY: Ngaun anak..pinili mo ang sa tingin mo ay nararapat sau at kung saan ka kuntento..dahil ayaw mo ng magkamali...ganyan ang pagpapakasal anak... piliin mo kung alin sa tingin mo kung saan ka kuntento at makapgbibigay sau ng TAGUMPAY..... dahil baka pagdating sa dulo ay wala ka ng pagpipilian..

Sana may natutunan kayo sa kwentong ito.



About the author

dolo18

a simple person

Subscribe 0
160