The Curious Case of Gee-Two's Sudden Disappearance
Mystery Revealed!
Ooh! Ang ganda ng title no? Parang totoo! For etchos purposes lang yan. Ang ganda kasi pakinggan hahaha. So eto na nga. Na-realize ko kasi na hindi ko man lang inexplain bakit ako nawala bigla. Eh nakagawa naman na ako ng blog since my return. Pero wala dun ang explanation. Hahaha. Ang labo lang.
Pero masaya pa din yung blog na yun. Oo, kahit malabo siya at parang walang patutunguhan (binasa ko ulit... hindi lang pala parang... wala talaga haha) masaya pa din siya basahin. Parang " hi, hello" lang ang dating pero napa-smile naman ako. Hindi ako napa-smile dahil sobrang ganda nya na blog... napa-smile ako dahil sadyang mababaw lang ako. Ganun talaga. Kung ikaw ay mababaw din tulad ko, eto ang blog para sa yo: "Hay makapagblog na nga lang ulit". Link yan papunta dun sa isa ko pang ginawa na blog, yan talaga title nung blog na yun. Sabi ko sa yo malabo siya eh.
Oh siya balik na tayo sa dahilan ng aking pagkawala. Actually kaya ako nawala ng biglaan ay dahil nangarap kaming magpa-LTE. Mga etchuserang froglets kami ni hubby (oo, etchuserang froglet din siya, siya may pakana ng LTE na hindi natuloy na yan eh). Buti na lang eh chineck muna ng brother in law ko ang LTE signal ditey before kami nag-commit na magpa-LTE. Nagdala siya here ng LTE etchos nya at tinesting tapos nagsabi ng pagkarami raming techie terms na hindi ko naintindihan.
Ang ending, hindi magandang idea magpa-LTE dito sa lugar namin. Mahina daw masyado ang signal. So ayun, nagbalik loob na lang kami sa old-school, slow-poke ISP namin. So eto na nga. Pero masaya pa din ako na may internet na ulit kami. Ganun talaga eh. Mababaw nga ako diba? Haha
Pahabol:
Ops, bago ka magreklamo na snails nanaman ang nilagay ko na doodle ditey, i-eexplain ko muna sarili ko. Ang snails na yan ang nagrerepresent ng kabagalan ng ISP namin. Oh diba patok pa din? Haha, dumadahilan pa, mai-singit lang ang snails.