Anong month mo, Anak??

Posted on at


ANAK! ANONG MONTH KA?

TOTOO ITO! Malalaman ang iyong pagkatao

sa buwan ng kapanganakan

JANUARY- ikaw ang pinakamapagbigay sa

lahat. Madali kang maawa sa kapwa kaya

minsan ka ng naloko. Pasensyoso ka din.

Kaya pag nagagalit ka na takot lahat sayo

kasi iba ka magalit. Hindi mo ugali ang

nang-uuna sa mga away-away. Kadalasan

ng mga naka-relasyon mo ay long-term.

FEBRUARY - ikaw ang hindi agad

makikisamahan sa iba dahil sa mood mo,

ngayon masayahin ka tapos mamaya mainit

na naman ulo mo. Madali ka magalit lalo na

kapag di mo nakukuha gusto mo. Sobrang

lalim mo magmahal pero hindi mo talaga

maiiwasan na lumiko sa iba.

MARCH- Pinakamaselan sa lahat, kunting

asar lang pikon ka na agad. Kadalasan loner

ka. Malalim ka kung magmahal pero dadaan

ka pa sa mga relasyong hindi sila seryoso

bago ang happy ending mo.

APRIL- ikaw ay kadalasan seryoso, kaya

kapag bumabanat ka sa pagpapatawa aliw

lahat kasama mo. Moody ka pero madaling

pakisamahan. Mapili ka sa mga taong

kakaibiganin. Todo ang feelings mo sa love,

pero mahilig ka lumeft turn, kumakagat ka

kaagad sa tukso.

MAY- simple ka lang, walang arte sa lahat

ng bagay. Hindi mo hilig makipag away pero

kung may humahamon o di kaya sinasaktan

mahal mo sa buhay, mag-ingat sila sayo

kasi matindi ka kung magalit. Kadalasan

happy ka na sa pagiging single. Kaunti lng

magiging karelasyon mo bago mo mahanap

magiging asawa mo.

JUNE- hindi kompleto ang samahan kapag

wala ka. Mahilig ka sa mga material na

bagay. akala ng iba na masayahin ka pero

sa totoo lang may hinagpis ka dinaramdam.

Walang tumatagal na relasyon sayo, madami

ka lang dadaanan bago mo mahanap ang

mapapangasawa mo.

JULY- kontento ka sa mga bagay na meron

ka, may mga inaasam ka rin na mga bagay-

bagay pero ok lang din sayo kahit hindi mo

makuha iyon. Madali kang makisama sa

mga tao kasi marunong kang mag adjust.

Malalim ka magmahal, kadalasan ikaw ang

sinasaktan pero mapagpatawad ka sa mahal

mo. Kunti lang ang makaka relasyon mo

bago mo matagpuan ang magiging asawa

mo o naging asawa mo.

AUGUST- ikaw ang pinaka loyal sa lahat.

Stick to one ka. Di ka basta-basta naaakit

ng tukso. Madali magtiwala mga tao sayo

kasi mabait at matulungin ka. Kunwaring

pa-cool ka kapag kaharap kabarkada pero

pag si Mahal na ang kaharap parang bata

kung maglambing.

SEPTEMBER- mabait ka kapag naging

mabuti sila sayo pero pag ikaw binuwiset

abay magtago na sila. Mabilis ka maasar

lalo na sa taong madaldal. Kaya mong

makipagsakitan huwag lang idamay mahal

mo sa buhay. Medyo ma pride ka pag nag-

away kayo ng Mahal mo pero mas matindi

ang love mo sa kanya.

OCTOBER- ikaw ang pinakamasayahin.

Palaging naka-smile at palagi na sa good

mood. Minsan pag di na kaya ang

problema,malalim ka kung mag emote. Kaya

apektado lahat ng tao sa paligid mo kasi

hindi sila sanay makita ka malungkot.

Kadalasan Long-term ang nagiging relasyon

mo at baka yun na yung mapapangasawa

mo o naging asawa mo

NOVEMBER- ang pinaka ma pride. Madali ka

magpatawad pero kahit minsan hindi mo

nakalimutan. Hindi ka mapakali kapag may

nagawa kang kapalpakan kasi malaki ang

ego mo. Hindi mo agad matanggap na ikaw

ang mali. Mabilis ka mairita kaya palagi ka

nila tinatawag na masungit. Matindi ka

magmahal, kasi handa mo ibaba pride at

ego mo para lang sa kanya.

DECEMBER- ang mapagmataas sa lahat.

Kahit alam mo na kasalanan mo ayaw mo

pa rin umamin at ibibintang mo pa sa iba.

Gusto mo palagi ikaw ang tama. Pero sa

kabilang banda, para kang bata lalo na pag

lumambing. Mapagbigay ka sa kapwa, hindi

ka masyado expressive sa mahal mo kung

ano nararamdaman mo.

Pakiexplain labyu (Shared)

^_^



About the author

Flowzick

I am a simple man.. likes to be online and have friends. im looking for the best way to express myself and thoughts and to earn online. ^_^

Subscribe 0
160