Sa malalamig na lugar o pag Winter , hindi lang lamig ang lalabanan mo .
Pag taglamig ,nandyan yung magda dry ang skin mo , mada dry ang lips mo , pagmagsusuklay ka tumatayo ang buhok mo at paghahawak ka ng bagay na steel o bakal ,stainless man sya ,makakaramdam ka ng kuryente o magaground ka . Minsan nga hahawak ka sa damit o madampian mo lang ang kamay ng katabi mo, makukuryente ka rin eh.
Yan ang SEDENKI na tinatawag sa salitang hapon. Tuwing winter talaga mararamdaman mo ito ,maririnig mo na lang na bassssshhiittttt na tunog pag nakuryente ka, kung sa gabi makikita mo na may ilaw pag nakuryente ka.. mahina lamang ito , hindi naman nakamamatay hehehe. kaso kakatakot din at kakabakaba ka pag hahawak sa isang bagay tulad ng door knob ,bintana lalo na't steel ito , pintuan ng sasakyan at iba pa.
Kaya para maiwasan ang SEDENKI , may suot ako laging GOMANG BRACELET o ANTI - STATIC BRACELET , para lang syang pamusod sa buhok kung titingnan mo . Sinusuot ko ito o may nabibili nito pag panahon ng taglamig . Eto nga habang ako'y nagba blog , nakasuot ngayon sa braso ko ang bracelet . Pag suot ko to, NO SHOCK or NO MORE CRACKLE na , it prevents the build up of static electricity .
O sige hanggang dito na lamang ,( para naman akong lumiliham kay mam charo santos ) ....
Eto yung suot ko ngayong ANTI - STATIC BRACELET ,kinunan ko ng litrato para makita nyo ( ^ v ~ )