Kung mayroon ang Sapporo , Hindi magpapahuli ang ASAHIKAWA . Mayroon din itong taunang SNOW FESTIVAL na ginaganap din sa loob ng isang linggo tuwing Pebrero .
Sa panahong ito ay nagtatayo sila ng malalaking ICE SCULPTURES sa ASAHIBASHI at HEIWA DORI . Dahil karaniwang magkalapit ang araw ng festival dito at sa Hokkaido , posible na mapuntahan ng mga turista ang parehong festival .
Kung malalaking ice sculptures ang hanap mo , sa ASAHIBASHI ito matatagpuan . Taun - taon ay iba't iba ang tema ng kanilang mga masterpiece . Mayroon din na iba't ibang activities na pwedeng gawin ang pamilya rito tulad ng sleigh rides na hinihila ng kabayo at mga slides na gawa sa yelo . Sa Heiwa Dori naman matatagpuan ang halos 50 ice sculptures taun - taon na kasali sa isang kumpetisyon .
Kung susuwertihin , maaabutan ang mga iskultor dito na ginagawa ang kanilang masterpiece.