Ang mga babae, nature na nila ang pagiging madaldal pero hindi yan magdadaldal o magbubunganga ng walang dahilan..
i remember noon, when my wife always get mad at me kc lagi akong umiinom ng alak kasama ng mga katrabaho at tropa ko..
Without me realizing na sobrang nasasaktan ko na pala sya,
hihintayin nya ko makauwi hanggang madaling araw,minsan pa nga umaga na, hindi ko naisip na mapupuyat sya kakahintay sakin habang ako, nagpapakasaya kasama ng barkada..
Paguwi ko, matutulog ako ng mahimbing samantalang sya aasikasuhin ang mga anak namin para pumasok sa eskwelahan,
Mamalantsa, magluluto, maglalaba..
ni hindi sumagi sa isip ko na napapagod din sya, naroong pagsisilbihan nya pa'ko sa gabi..
hindi sumagi sa isip ko na pag napuyat sya kakahintay sakin,baka hindi nya maasikaso ang mga anak namin, hindi sya makapagluto at magutuman kami.. habang ang mga kainuman kong hindi pamilyado, pa rc rc lang pag may hang-over..
kapag sinasabihan nya ko wag masyadong maginom at bumarkada,
nagagalit ako, madalas nagkakasakitan pa kami at napagbubuhatan ko sya ng kamay..
Pero wala lang un sakin, kc alam ko naman na mapapatawad nya din ako..
konting lambing at uto ko lang dun ok na.. mabait kasi sya..
naalala ko pa noong nagkasakit ako..
Tumaas ang acid ko sa katawan dahilan ng sobrang pagiinom ko,
Andun yung mapuyat na naman ang asawa ko kakabantay sakin..
hindi pa malaman kung saan kukuha ng pera pambili ng gamot..
Minsan dumalaw ang mga tropa ko at knantyawan ako kulang lang daw sa alak to'. hindi nagbigay ng anumang tulong pero ang asawa ko
halos lahat ginagawa nya ng sabay-sabay..
sa sobrang pakisama ko sa barkada,
naglalaan talaga kami ng araw para sa inuman.. pero ang maipasyal ang magiina ko, wala akong oras..
Minsan nga hindi ako nakakasama sakanila pag family day kasi mas gusto ko maglaro ng chess o basketball kasama ng tropa ko..
iniisip ko kasi, ako ang nagtatrabaho
At nagbibigay ako sa misis ko ng pera para sa pang,araw araw namin
samantalang sya, suma-sideline lang sa pagpapaorder ng avon.
ni hindi ko naisip na nagagawa nya pang kumita ng pera para matulungan ako sa obligasyon kong bigyan sila ng magandang buhay,
ni hindi ko naisip na halos wala na syang pahinga sa araw2 na gawain nya..
Minsan nga, nireregulahan nya ko ng brief, tsinelas at kung ano ano makayanan nya..
samantalang ako, ang huling regalo ko pa yata sa kanya eh nung nililigawan ko pa sya..
Ayoko kasi mabawasan yung tinatago kong pera kasi pag niyaya na naman ako ng barkada ko maginom o magsakla, wala akong mailalabas..
Pero dumating yung time na ni sa hinagap, hndi ko naisip na mangyayari..
she was diagnosed with ovarian cancer at may taning na sya.
kaya pala kapag ginagamit ko sya ay dumadaing syang may masakit na tinatamaan..pero hindi ko yun inintindi basta mairaos ko ang sarili ko..
Awang-awa ako sa asawa ko..
habang tinitignan ko syang nakaratay sa ospital,bumabalik lahat ng mga maling nagawa ko..
itong babaeng to na isinakripisyo yun sarili nyang kalagayan para pagsilbihan ako at ang mga anak ko..
itong babaeng to na napupuyat kakahintay sakin..
itong babaeng nagbigay sakin ng 3 cute na mga anak..
itong babaeng nagsilbing liwanag ng pamilya namin..
itong babaeng to na pinatawad ako ng paulit-ulit at nagtyaga sakin
hindi ko man lang naalagaan, nabigyan ng pansin at atensyon na obligasyon ko din naman bilang asawa..
ngayon wala na sya..
ngayon ko naisip at napagtanto ang lahat.. mahalin natin ang asawa natin habang nanjan pa sila para sa'tin..
Wala na ang asawa ko, pero ang mga barkada ko.. anjan lang sila..
nagsisisi ako sa lahat ng nagawa ko,
kung pwede ko lang sana ibalik ang nakaraan na anjan pa ang asawa ko,
bibigyan ko sya ng oras,
Aasikasuhin ko din sya,
Mamahalin ng buong puso
At hindi pasasamain ang loob..
susundin at hindi pupuyatin,
itatrato ko syang isang reyna,
Pero hanggang pangarap na lang
un dahil wala na sya..
Ngaun ko naisip na kung tumanggi ako sa yaya ng mga barkada ko,
ok lang kc hindi naman sasama ang loob nla sakin.
ok lng kc hindi mapeperwisyo ang pamilya namin.
kung naglaan lang sana ko ng oras sa pamilya ko eh di sana nagkaroon ako ng oras para makilala ko at maging close pa kami ng mga anak ko..
ngayon, nakikisama pa din ako sa
Mga barkada ko pero bihira na..
umuuwi nako ng maaga kc walang magaasikaso sa mga anak ko pag pasok,
Wala na magluluto kundi ako..
Pag uuwi ako ng bahay, wala ng naghihintay,. nalulungkot ako.
bumabalik yung mga masakit na ginawa ko,, hindi pala lahat ng kasiyahan ay makukuha sa barkada..
nasa huli talaga ang pagsisisi..
kapag may sakit akoy wla ng nagbabantay sakin bagkus kumikilos akong mag-isa,hindi ako makahingi ng tulong sa mga barkada ko dahil nahihiya ako..
naalala ko noon na nanghiram ako sa barkada ko dahil sa kapus kami at nung hindi ako makabayad ay nagalit sya sakin..
naalala ko na naman ang asawa kong suma-sideline para makatulong sakin,
na wala kang kahit anong reklamong maririnig..
nagsisisi ako sa mga nagawa ko at pilit itinutuwid ang pagkakamaling iyon..
Mahal na mahal ko sya pero nabulag ako ng kasiyahan dulot ng alak,sugal at barkada..
sana lahat ng lalaking pamilyado
Ay makapulot ng aral sa aking kwento..
habang hindi pa huli ang lahat, magbago na kayo, wag nyo ng hintaying mawala pa ang reyna ng
buhay nyo bago nyo ma-realize na
sobrang importante ng "pamilya" sa
buhay mo..
Magsilbi sanang aral ito sa inyo..
ngaun,akoy naglilingkod sa panginoon
sa aming christian church.. malaki ang naitulong sakin ni god..
sanay magkasama kami ng asawa ko ngaun na naglilingkod sa panginoon..
ngunit tanging sa gunita ko na lamang sya makakasama..
Maraming salamat sa matyagang
nagbasa ng aking kwento..