Bakit ganito ang itsura ng siopao na to?!

Posted on at


Kwentong kababawan muna tayo habang wala pa akong matinong net. Ganito kasi yan. Bumili ako ng siopao sa chowking dahil aaminin ko nadala ako ng cute na cute na itsura ng siopaos doon sa poster nila. Kung hindi mo alam kung anong klaseng siopao ang tinutukoy ko, yun yung siopao ng chowking na may design na either panda (kung chocolate siopao order mo) or pig (kung asado pao).


Eh nakita ko sa poster na super cute nung piggy siopao, so ako naman na mejo uto-uto eh napabili. Pag serve sa akin, nakalagay siya sa loob ng container na mejo malabo or opaque so hindi mashadong clear yung itsura ng siopao, eto napicturan ko:



Oh diba pa-suspense pa ang effect? Ako naman eh hindi nageexpect nung exact replica nung sa poster. Alam ko naman na ginamitan yun ng matinding photoshop at minsan pa nga daw eh hindi naman tunay na food yung ginagamit nila for posters kahit ang sarap-sarap tignan. Ang ineexpect ko naman yung mejo shwangit na mejo cute pa din. Parang ganito:


Hindi naman siguro sobrang taas ng expectations ko diba? Siguro naman eh attainable yan? Hindi naman siguro mukhang pang culinary arts graduate ang gumawa ng siopao na yan. But no. Nashock ako at mejo tumigil ang puso ko for a few seconds (ang drama eh no? Pero feeling ko ganun tlga nangyari, magugulatin kasi ako eh haha) nung pagopen ko sa container, eh ganitong klaseng siopao ang bumulaga sa akin:


Tragis na siopao yan! Pang horror lang eh! Tanggap ko na ang kanyang texture na saksakan lang ng rough. Hindi yun ang problema, siopao naman yan, hindi ko ineexpect na gagamitan nila ng eskinol masters for men para lang kuminis ang fez niya. Pero ang eyes kumustahan naman! Daig pa si Sadako sa creepiness factor eh, parang my tumutulo pa na black na luha sa isang cheek na parang sinasabi na bakit ko siya minurder para lang kainin. 


My gulay. Pero dahil kuripot ako eh siyempre hindi ko inaksaya pera ko, kinain ko pa din siya at ninamnam ng todo. Masarap naman si Sadako Pig Siopao so keribelles na rin. Nakagawa ko pa ang blog na ito dahil sa kanya. Pwede na rin.


 


Note: yung mejo pangit na mejo cute pa din (2nd pic) ay edited version nung totoong pic ni Sadako Pig Siopao (3rd pic). Inedit ko lang to demonstrate na pwede naman gumawa ng pig siopao na hindi perfect pero hindi din naman mukhang panakot sa masa.



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 0
160