Bakit nga ba nakakasenti ang ulan?
Dahil umuulan kahapon , bukod sa tinamad at inantok, napa-isip din ako sa mga bagay bagay. Tipong, "Ano kayang mangyayari sakin after grumaduate"; "Makakahanap kaya ko agad ng trabaho?" Syempre namiss ko din lahat ng dapat mamiss. Haha. Tapos samahan pa ng soundtrip na nakakasenti gaya ng Thinking Out loud ni Ed Sheeran. (Try nyo yon maganda. Promise lol) Oh 'di ba ang senti? Pero bakit nga ba?
"Bakit nakakasenti ang ulan?", tanong ng bata sa commercial ng isang brand ng hotdog. Naisip mo na ba kung anong dahilan? Siguro ikaw napapasabi ka na lang ng "Basta!" Haha.
Pero sabi sa nabasa ko (nakalimutan ko na kung saan e haha), yung tunog daw ng ulan ay parang natural na lullaby na nakakapagpakalma. May lullaby bang hindi? Haha. Kaya din siguro nakakaantok at nakakatamad. Samahan mo pa ng lamig na dala ng ulan. May mga mapapaisip pa dyan na, "Sarap sana kung may kayakap." Aminiiin. Kapag ganun din ka-lamig at kalmado ang paligid, masarap magisip-isi 'di ba? Kaya mas lalong senti.
Ayaw mong maniwala? Ah basta nakakasenti ang ulan. Haha