| Photo from facebook |
BAKIT SUMISIGAW ANG TAONG GALIT?
Ito ang usapan ng isang mag-ama habang nakatingin sa larawan na to:
Tatay: Anak alam mo ba kung bakit nagsisigawan ang taong galit kahit magkaharap sila?
Anak: Kasi highblood na po sila
Tatay: Ano pa?
Anak: Kasi nga po galit sila
Tatay: (napangiti sa anak, at sabi nya) Nagsisigawan ang dalawang tao kapag galit kahit magkaharap pa ang mga yan, dahil malayong malayo na ang puso nila sa isat-isa. Malayong-malayo , na pakiramdam nila, hindi ito maririnig ng isat-isa kung hindi nila isisigaw.
Napapansin mo ba ang dalawang magkasintahan pag nag-usap? malumanay lang at mahina, dinig na nila isat-isa... Bakit? Dahil magkalapit ang kanilang puso.
Yung mga bagong kasal, kahit bulungan lang, dinig na dinig nila... Minsan nga titigan lang, nauunawaan na nila isat-isa. Kasi magkadikit ang kanilang mga puso.
Kaya ikaw anak pagdating ng panahon na galit ka lalo sa iyong asawa o kapamilya, makipag-usap ng maayos at masinsinan... Iwasan mong sumigaw, dahil baka dimo mamalayan, sa kasisigaw mo, masyado nang lumayo ang puso nyo sa isat-isa na baka dumating pa ang panahon na gusto mong lumapit, pero malayong malayo na sya.
| Source from facebook |
Thanks for reading :)