Lahat tayo ay nabigyan ng bente-kuatro oras bawat araw. Ngunit sa kadalasan, kulang ang bente-kuatro oras na yan para mai-squeeze natin ang mga gusto nating gawin.
Ang simpleng solution? Mag-multi-task. Hindi ko na kailangan ipaliwanag ang pag-mumulti-task. Malamang sa hindi, ang mga bitlanders ay magagaling na multitaskers. Nag-iinternet habang kumakain, habang nanonood ng news, habang nagrereview sa exams, habang nagluluto. At malamang sa pag-iinternet pala, ilang-ilang window tabs ang nakabukas.
Pero nakakalungkot na sa galing natin sa pagmulti-task, minsan tuloy hindi na natin naibibigay ang attention o ng focus and isang bagay. We have become a generation of multi-taskers, but are beginning to forget how to focus and give attention on certain things that matter.