BINAGOONGANG ADOBO

Posted on at


 

BINAGOONGANG ADOBO

 

Mga Sangkap:
1 kilo or 10 pcs. Chicken drumstick
3 pcs. Dried laurel Leaves
1 cup vinegar
1 cup soy sauce
3 tbsp. Bottled Sweet Bagoong Alamang
1 cup Brown Sugar
1 tsp. Ground Black pepper
5 cloves Minced Garlic
1 large Red Onion sliced
2 tbsp. Achuete seeds soak in water
2 tbsp. Liquid Seasoning (optional)
2 tbsp. Butter

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter. Ilagay na din ang bagoong alamang.
2. Ilagay na ang manok, suka, toyo, dried laurel, brown sugar at katas ng achuete. Lagyan din ng 1 tasang tubig.
3. Takpan at hayaang maluto at kumonti na lang ang sabaw.
4. Tikman at i-adjust ang lasa. Ilagayana din ang liquid seasoning.

Mas masarap kainin ito kung kinabukasan na para mas masipsip ng manok ang flavor ng bagoong, suka at toyo.

Kung hindi naman makatiis na, ihain na ito kasama ang inihaw na talong.

Para sa isang magandang presentation ng dish na ito, ilagay ang inihaw na talong sa bottom ng pyrex o isang lalagyan at saka ilagay sa ibabaw ang binagoongang adobo.

Enjoy!!!

 

------

 



About the author

shy_melkie

Simple woman with simple dreams.

Subscribe 0
160