BLOG #15: Live in your own means

Posted on at


Natawa naman ako nun nakita ko ang quote na eto ni DreamWeaver.  Naalala ko tuloy yun live in your own means.

Magastos ka ba?  Gaano ka kagastos?  Paano ka gumastos o magtipid?  Yung gastos mo ba e pera mo mismo?  Pinaghirapan mo?

Sana matuto tayong magtipid at gumastos ayun sa ating kinikita.  Wag tayong magpadala sa mga advertisements at kung ano pang marketing strategy.  Ang nagiging epekto kasi sa atin ng mga yan at ng mga social media e maging materialistic - ang bumili o gumastos ngayon na as in now na.

Sa mundo ng selfie, ninanais natin lagi na merong bago, na tayo ang unang may bagong gamit, bagong gadget, o kahit ano man na bago.  Hindi naman masama e.  Ang masama nyan e kelangan mo mangutang para lang makabili ng ganyan pero hindi mo naman kayang bayaran ang utang mo.  Maluho ka nga, gumagastos ka nga pero pera naman ng iba.  Mabaon ka na sa utang basta lang may bagong gamit na mabili.

 



About the author

ako-eto

Loves to travel, nature, hiking, exploring, foodie, photography.

Subscribe 0
160