BLOG #66: International Mother Language Day

Posted on at


International Mother Language Day

Nabasa ko ang sinulat ni  Sanjida-Santa tungkol sa International Mother Language Day.  Pwede nyong mabasa ang kanyang sinulat dito.  I-click lang ang "dito" na salita na kulay asul o bughaw.

Binuksan ko ang Google pagkabasa ko sa sinulat nya at ang International Mother Language Day ayun kay Wikipedia ay ginaganap tuwing Pebrero 21.  Ang okasyon na eto ay nabuo para sa pagkilala sa sariling kultura at salita.  Ito ay iprinoklama ng UNESCO noong Nobyembre 1999.

Nararapat lamang na eto ay malaman ng bawat isa dahil kapansin-pansin na ang sarili nating wika ay hindi na inuuna ng mga ibang Pinoy ngayon.  Ingles na ang nagiging "first language" na tinuturo sa mga bata ngayon.  Hindi na nila alam magsalita ng sariling wika.

Huwag nating "patayin" ang sariling wika natin dahil yan ay isa sa pagkakakilanlan sa atin bilang Pinoy.  


TAGS:


About the author

ako-eto

Loves to travel, nature, hiking, exploring, foodie, photography.

Subscribe 0
160