Sino sa inyo ang hindi nakakaalam na may strawberry dito sa ating bansa? Na merong strawberry fields o kaya garden dito sa Cordilleras? Na pwedeng itanim ang strawberry dito sa Pilipinas?
Nakapagtataka lang kung bakit kelangan pa ng isang teleserye para malaman mo na may strawberry dito. Matagal nang dinadayo ng mga turista ang strawberry farm ng La Trinidad. Kilala ang Baguio at Benguet sa strawberry, bulaklak, gulay, etc.
Ang pagsasabi na sumikat ang strawberry farm dahil sa isang teleserye ay isang biro. Para mong sinabing sumikat ang pinya ng Bukidnon dahil sa teleserye, sumikat ang calamay at cornik ng Ilocos dahil sa teleserye, atbp.
Huwag maging dayuhan sa sariling bayan o bansa. Magbasa, magnaliksik, mamasyal kung kinakailangan at kilalanin kung ano ang atin.