Buhay lang talaga ako pag walang pasok heheh

Posted on at


Wala na namang pasok. Magaan na naman

ang mood ko. Masaya ako ngayong

makapag-blog.

Pero kahit na walang pasok tuwing malakas

ang ulan, panget pa ren. Wala kang

allowance, nasa bahay ka lang, nag-oonline

lang, nagsou-soundtrip. Para ka lang

nakahipo ng makinis at maputing legs kaso

bading naman ang nahipuan mo.

Kaninang uwian, suspended, nagyaya yung

isa nameng kaklase na mag-movie

marathon (daw?) sa bahay nila. Ewan ko ba

kung sabog lang yun para magyaya ng

ganito yung kondisyon ni Miho na laging

umuulan.

So bali taga-Marick sya. Sasakay kame ng

jeep. Anak ng tineteng naman at biglang

tumulo ang luha ng grasya kung kelan

pasakay na dapat kame. Ayan tuloy,

stranded sa maliit na waiting shed,

naghihintay tumila ang ulan. Yung iba

nameng kaklase, hindi sumilong, may

payong naman (daw?). Pero balewala din

payong nila kase nabasa din sila nung

biglang umihip ng malakas na hangin si

Superman kasabay ng luha ni Miho. Kami

naman na nagmukha ring tanga kase

gumaya sa kanila, na walang dalang payong,

na nakikipayong lang den, eh nabasa sa

napakalakas na ulan.

Maya-maya, may nagsabeng wag na lang

(daw) ituloy tong pinaplano/binabalak

namen. Delikado na, baka bumaho pa (daw)

sa ulan. Pero tumutol doon yung iba

nameng kasama, pinilit pa rin nilang

sumakay kahit na puro mukang basang

sisiw na sila. Ako naman, na may kasamang

babae, syempre, hindi na sumama. Kaw

kaya makitabi sa masikip na jeep tapos

basang basa ka.

So ayun na nga. Tanga. Nakatanga kame

doon. 24 minutes. Mag-kakalahating oras.

Pagkatapos ng isang kantang pinapatugtog

ko sa cellphone ko, kalahating oras na

kameng nandun.

At matapos nun, nagpaalam na ako sa

kasama kong babae. Gusto ko nang umuwe.

Bahala na yung mga sumama sa movie

marathon. Kasama dun yung espren kong

Habang naglalakad ako, napamura ako sa

nakita ng tenga ko. Mga dati kong kaklase,

tinatawag ako, mga babae. Nasa karenderya

sila. Tinawid ko naman. Tapos ayun,

kwentu-kwentuhan ng konti. Kain-kain ng

konti kase nilibre ako. Tapos kamusta-

mustahan ng konti kase matagal na ring di

nakakagawa ng katarantaduhan. Tawa-

tawanan ng konti kase matagal na silang

nerd simula nung nawala ako sa school.

Apir-apir ng konti kase yung iba, may syuta

na. Tapos, tapos na. Nagpaalam at umuwi

na ako. Sasabak pala sila sa laban,

INTRAMS!!!

Pag-sakay ko sa tricycle, muntik pa akong

makasapak ng college student. Sikuhin ba

naman ako habang kumukuha ng pambayad

sa bulsa?! Pero hindi naman daw niya

sinasadya, kaya hindi ko na pinatulan. In

short, nag-sorry siya. (Pero kung hinde,

naku.)

Pag-uwi ko, nagulat ako. Pinapabukas saken

yung computer. Kaya pala. Gusto manood

ng pelikula tong mudra ko. Pinagbigyan ko

naman. Habang naglilipat ako ng pelikula sa

usb kase HDMI yung T.V. nameng

FLATSCREEN, nagfacebook muna ko.

Nagchat saken yung dati (gago) kong

kaklase, punta (daw) ako sa kanila. Dala

(daw) ako ng pera. May gagawin (daw). Di

ko alam kung ano, bahala na (daw).

So nagplano ako kung paano ako

makakalusot kay mudra para makalabas.

Naisip kong manunuod nga pala siya ng

movie, hinintay ko muna matapos ang

paglilipat sa usb. Pagkatapos, sinaksak ko

na yung usb sa FLATCSCREEN nameng t.v.

tapos nanuod na siya. Syempre habang

nanunuod, wala na syang pakelam saken.

Pagdating ko dun sa bahay ng kaklase ko,

gulat na naman ako. Magugulatin talaga

ako. Inuman (daw) kameng tatlo sa

pinakataas ng bahay nila na walang ibang

makakakita kahit mga ibon. Ambagan.

Muntik ko nang makalimutan ang pera ko,

sana nakalimutan ko na lang. Isang RED

HORSE. Anim na CHICHA.

Matapos ang dalawang oras na inuman,

nagbasketball muna kame. Dun mismo sa

THIRD FLOOR nila. May ring, may, bola,

alam na. Dun kame nagpawala ng amats.

Nawala naman, kaso nakakamatay ang

sobrang pagod namen. Ang inet na kahit

umuulan. Bwiset.

Pagkatapos magpakamatay sa pagod, di ko

alam kung sinong sabog na may amats ang

nakaisip sameng tatlo ang magpiktyuran. Di

ko na papakita mga piktyur namen. Baka di

niyo kayane



About the author

Flowzick

I am a simple man.. likes to be online and have friends. im looking for the best way to express myself and thoughts and to earn online. ^_^

Subscribe 0
160