bakit nga ba tayo natatakot? anu ang mga bagay na kinakatakot natin? iba iba yun syempre...
kagabi bumalik ang TAKOT na akala ko matagal ng nawala sakin.. parang trauma ba ganun..
nasa bahay natulog yung tito ng asawa ko.. it so happened na lasing xa.. it was actually past 12 midnight ng magising ako na may nasigaw at nasipa sa haligi ng kwarto namin.. si tito pala yun.. nakiramdam lang ako.. pero habng tumatagal na ginagawa nya yun e unti unti ng binabalot ng takot ang pagkatao ko. ginising ko si hubby... inassure nya naman na ok ang lahat.. lasing lang yun.. ganun daw talaga yun pag nasobrahan.. pero d namn daw mang aano yun.. di ako napanatag hanggang sa unti unti na akong kinain ng takot.. nagsimula na ako mapahikbi na nauwi sa pag iyak.. na kada sigaw nya at sipa npapalakas ang iyak ko.. takot na takot ako. sa sobrang takot ko nanginginig ako. bumaba kami ni hubby dahil takot na ko mag stay sa kwarto namin.. habang nakahiga na sa baba (sala) pinapakalma ako ni hubby.. syempre inaassure n nman na magiging ok ang lahat.. na anjan xa sa tabi ko.. na tumigil na ako sa pag iyak.. na saf ako dahil anjan xa.. pero kahit ganun di ako talaga dalawin ng antok.. pag sisigaw padin at pagtatadyak e nagugulat tlga ako.. siguro mga kalahating oras lang ang tulog ko.. hanggang ngayon wala padin kasunod ang tulog na yun..
pero san ba galing ang takot na yun? bakit di ko mapigilan ang panginginig ko? normal ba ako o may mali na sakin?