Kung ikaw ay may asawa, look back at your life. Hindi ba at madalas nagmumuni kayo kung pano ba nagsimula ang pagmamahalan ninyo?
Ah, you can always remember how it felt back then. At masasabi mong human love begins with an emotion.
Ang pag ibig ng tao ay laging nagsisimula sa emosyon. Kaya nga't kapag nagkakagusto tayo Parang kinikiliti ang ating puso. Kadalasan ay nagsisimula sa isang pag hanga. "Ang cute naman nya, ang ganda ng mata, kakaiba, nasa gitna parang pinya". Mga tipong ganyan.
Sa iba't ibang sitwasyon natin sila nakikilala at gusto pang makikala. Gumagawa tayo ng paraan para mas makilala pa. Andon yung pumatol tayo sa baraha, sa hula, sa zodiac sign para malaman kung compatible kayo.
Ang pagmamahal ng tao ay laging may aspect of compatibility. Yun bang you can easily fall in love with someone whom we can relate to with respect to our humanity. Mabait sya, mabait ako, magalang sya magalang ako, mapagmahal sa pamilya pareho kami, yung mga ganon.
And because we operate most of the time on compatibility, or in our natural inclination to love those with whom we can identify ourselves, our love becomes very conditional.
kaya nga kung tutuusin, ang pagmamahal nating mga tao ay hindi masyadong pure, hindi masyadong sincere. Why? Kasi laging may kasunod na "because" - yung tipong kapag sinabi mong "I love you" laging may kasunod na "dahil".