COSPLAY :: BUOD

Posted on at


Ang cosplay ay ang pinagtambal na salitang “costume” at “play”. Ang mga taong sumasali sa cosplay ay tinatawag na “cosplayer” o “reya” (player) sa Japan. Ang cosplay ay nagsimula bilang isang libangan ng mga otaku o mga taong mahilig sa anime at ngayon ang cosplay ay isa nang bahagi ng kultura.

Ang cosplay ay ang pagbibihis bilang isang tauhan sa anime, video games, pelikula,libro at pati na sa mga visual-kei rock na banda sa Japan. Ang salitang cosplay ay ipinagtambal ni Nobuyuki Takahashi noong 198, habang dumadalo sa sci-fi convention sa Los Angeles. Siya ay napahanga ng mga costume masquerade na sinulat nya tungkol ditto sa isang Japanese sci-fi magazine. Mabilis na kumalat ang salitang ito sa Japan bilang isang bagong sining ng paganap.

Ang mga cosplayer ay tipikal na nanggaling sa hanay ng mga otaku—sila ang mga tagahanga ng mga Japanese na komiks na kilala sa tawag na manga. Nagtitipun-tipon sila sa mga pampublikong event tulad ng comic book at video game tradeshows para mag-cosplay. Dito sa Pilipinas ang pagko-cosplay ay kadalasang ginaganap sa mga mall, parke at mga eskwelahan o unibersidad.

Ang layunin ng cosplay ay interpretasyon: ang isa ay nagtatangka na maging isang karakter tulad ng isang actor na may papel na ginagampanan. Ang mga cosplayer ay maaring bumili o gumawa ng costume at props sa pamamagitan ng fan labor. Kapag naka-costume na ang mga cosplayer ay ina-adap nila ang effect, mannerism at body language ng karakter na kanilang ginagaya. Ginagawa nila ito dahil kapag naka –costume na sila ay pakiramdam nila ay sila na mismo ang karakter na ginagaya nila.

Ang panggagaya ng karakter na kasalungat na kasarian ay tinatawag na “crossplay” samantala ang panggagaya ng karakter na nakasuot na pang-kasalungat na kasarian ay tinatawag na “crossdress”.

Ang mga cosplayer ay binibigyan ng kapangyarihan ng internet para makagawa ng “social networkl” at websites na nag pokus ay tungkol sa cosplay. Sa tulong nito ang mga cosplayer mula sa iba’t-ibang panig ng daigdig ay nakakapagbahagi ng kani-kanilang istorya, larawan, balita at tips. Ang mabilis na paglaki ng bilang ng mga taong pinipili ang pagko-cosplay bilang isang libangan ay nakagawa ng malaking impluwensiya sa popular na kultura. 



About the author

160