Konklusyon at Rekomendasyon
Mayroong iba’t-ibang uri ng mga bagong bagay na dumarating sa ating pang araw-araw na buhay at ang mga bagay na ito ay sinusubukang tanggapin ng tao. Pwede kang makakita ng mga bagong damit, sasakyan, at pwede ka ring makakita ng mga nagko-cosplay sa daan. Pwede kang makakita ng mga bagong bagay araw-araw, kung hindi mo ito tatanggapin maari kang mapag-iwanan ng iba o pati na rin ng mundo.
Sa pag-aaral nito napag-alaman naming na maraming tao na ang nahuhumaling na sa cosplay at ito ay mabilis na kumakalat sa popular na kultura. Ang mabilis na pagkalat ng cosplay ay hindi na maiiwasan ng mga tao sa halip ay tanggapin na lamang. Ang mga cosplayer ay ipinapakilala ang cosplay sa iba, ang pagkasigasig ng mga tao na sumali ay pataas ng pataas. Ang matagumpay na cosplay ay kahanga-hanga. Ang mga cosplayer ay kadalasang estudyante sa kolehiyo o mas bata pa, pinagplanuhan nila ang cosplay nila ng sarili lamang, at ito ay kahanga-hanga.
Nagko-cosplay sila dahil lang sa gusto nila ang cosplay at mahal nila ang ito, gusto nilang ipakita at libangin ang sarili nila at ito ay dahil sa kanilang interes. Dahil dito, nakita namin na ang interes ay isang importanteng bagay, hindi lamang sa mundo ng cosplay kundi sa iba pang aspeto ng buhay.
Ang pag-aaral na ito ay inererekomenda namin sa mga kabataan. Sa pagsali sa cosplay magiging involve sila at magkakaroon ng maraming detalye tungkol sa cosplay. Malilimutan mo ang reyalidad ang mga problema mo.