Daan Patungo sa Kapwa

Posted on at


 

 

Parating sinasabi ng matatanda "Papunta palang kayo pabalik na kami."Pero sa totoo lang minsan hindi naman talaga mag-kakasalubong ang generation ng matatanda at bata. Sila ay pinanganak noong 40's,50's o 60's mantalang kami ay 80's 90's at 2000 (to present), marami ng mga pinag bago, madami ng High-ways, Fly overs, at meron ng MRT/LRT ngayon, natatraffic man siguro dahil nga sa maling gawi noon na pilit binabalikan. Ang buhay ngayon ay ibang iba na sa ngayon kaya ang pinag daanan nyo ay maaring hindi na namin gusto pang daanan pa. Magiging silbing aral na lang yun kung ano man ang gusto nyo ipahayag ngunit sana ay wag ipilit.

Sa daan magkasalubong man o magkatagpo sana ay magyakap nalang at wag nang mag banggaan, pagkat ang noon at ngayon ay mag kaiba.

 

Gustong gusto ko ang mikling tula na ito:

"Hinanap ko ang aking kaluluwa;

ngunit hindi ko nakita.

nang si Bathala ang hinanap;

Hindi ko rin naapuhap.

Nang daan sa kapwa ang binagtas

ay natagpuan ko silang lahat!"

 

 

Image is not mine screenshot from Google



About the author

bernalyn-dl-bautista

Simple but talkative, business minded & hard working.

Subscribe 0
160