Dahil Tinatanong ni Saori Sam Ano Daw Ginagawa ng Boys Sa Banyo

Posted on at


Oh ha oh ha! I-spottan ang illustration ko for this blog! Saksakan ng wholesome!

Teddy bears! Kalerkey! Ang cute cute lang! Pa-tweetums ang peg (gusto sana sabihin pa-bebe ang dating, kaya lang 80's ako pinanganak, feeling ko parang bagay lang yang term na yan sa mga millenials hehehe). 

Pero as usual, ang topic natin ay hindi wholesome.

Hops, hindi ko kasalanan kung bakit SPG nanaman ang usapan today. I blame Saori Sam. Oh ha, nanisi pa eh no hahaha. Eh kasi naman... Siya naman tong tanong ng tanong sa MBs ko kung ano daw yung ginagawa ng boys sa banyo pag matagal sila nandoon.

So... Ano nga ba???

Well, bago ang tanong na yan, ikukwento ko muna sa inyo paano nakarating sa topic na yan. Nung high school kasi ako, as in late high school , mga 4th year high school na ata, eh yung mga friends ko na boys ay pinaguusapan kung gaano sila katagal sa banyo. Hindi ako kasali sa usapan nun kasi busy ako sa pag gawa ng assignment na due na sa next period. Tsk, high school pa lang proscrastinator na...

So anyway, dahil etchusera ako...

Tinigil ko muna ang pag gawa ng assignment, at nakisingit at sinabi: Ay naku ewan ko ba sa inyong mga boys bakit ang tagal tagal niyo sa banyo! Gaano ba kasi kahirap tumae?! (Oo, ebs ang naisip ko na topic)

Pero hindi pala pag-e-ebs ang pinaguusapan nila.

Pinagtawanan nila ako ng todo. Kapag matagal daw ang isang teenager na lalaki sa banyo, hindi daw ebs ang ginagawa nun. Hindi din yun naliligo. Lalong lalong hindi umiihi. Hindi din daw yun nag-aayos. At dahil ayaw kong ma-ban sa bitlandia, hindi ko na rin itutuloy ang totoong sagot. Mga guys, kayo na lang sumagot sa tanong ni Saori Sam pls. Thanks. 

Magiiwan na lang ako ng wholesome na illustration pang ending ng blog na ito.

 

 

 



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 0
160