DOGO ONSEN EKI MAE ASHI YU

Posted on at


 

Nagpunta kami nung April 25 sa Matsuyama Ehime province dito sa Japan .. Unang destinasyon namin don ang lugar ng DOGO ONSEN.

Sa bandang kanan sa gilid  ng SHOTENGAI , may maliit na ASHI YU .. Ibig sabihin ng ASHI YU ay mainit na tubig para pambabad sa paa .. Galing ang mainit sa tubig sa hot spring ng DOGO ONSEN .

Nakita ko andaming nagbababad ng paa , eh di nakigaya ako hehehe.. Hinubad ko rin ang medyas at sapatos ko at binabad ko ang paa ko sa ASHI YU.... hayyy!!! Ang sarap ng pakiramdam eh ..

Ang tubig na mainit para sa paa o ASHI YU ay mainam para umayos ang sirkulasyon ng dugo at pampakinis ng balat . Kaya pati binti ko binasa ko rin . 

Pagkatapos ng 10 minuto , pinunasan ko syempre ang paa at binti ko ... Hindi na kailangan ng lotion eh , ang dulas sa balat  , kung pwede ko lang dalhin yung tubig na yon galing ONSEN , ginawa ko eh hehe, pero syempre di pwede yon .

Eto my friends yung ilang litrato habang nagbababad ako ng paa .

 

 



About the author

160