Isang masayang pamilya na nakatira sa malawak na karagatan. Ang kanilang bahay ay siya na ring lugar kung saan pinapatakbo nila ang kanilang negosyo. Habang patuloy sa pag-usad ang story sa panaginip ko para bang kasali ako dun na hindi. 'Yong ganoong sitwasyon? Tapos isang araw may mga masasamang tao na pumasok sa bahay nila at pinatay sila. Tumakbo 'yung nakakatandang kapatid (na parang ako) and her left foot slipped at the edge, tumama 'yong ulo niya sa gilid and nahulod siya sa dagat. Samantalang ang kanyang mga magulang ay pinagbabaril at ang kanyang mga kapatid ay pinatay din pero di ko na makita kong paano. Walang nakakaalam sa pangyayaring 'yon.
Pero para sa kanila parang walang nangyari. Para sa kanila buhay pa din sila. Nagpapatuloy sila sa paninirahan sa bahay nila. Isang araw may dumalaw na kapamilya sa kanila at tinggap nila ito ng maayos. Hindi alam ng mga bisita na patay na pala sila dahil normal lang din ang pakikitungo nila. Horror ika nga! Tapos 'yong isang bisita pumunta sa work placa ng bahay nila at dun nakita niya ang mga bangkay ng kapamilya niya. Tinawag niya agad ang mga kasama niya at pumunta sila dun. Ang mga bangkay na ay muling nabuhay. Hindi sila napansin ng mga ito pero bigla akong sumigaw ng "hoy!" at nakita nila kami. Hinabol nila kami para patayan sa pag-aakalang kami ang pumatay sa kanila. Namatay anf mga kasama ako. Ako na lang at ang isang batang babae na umiiyak ang naiiwan. Tumago kami at 'yong bata ay iyak lang ng iyak. Pilit ko siyang pintahimik para 'di kami makita ng bangkay. May nakita akong silya na my berdeng cover at doon pinapasok ko 'yong bata at sumunod ako. iyak pa rin siya ng iyak dahil nawawala 'yong mama niya. Para di kami marinig ng bangkay, I covered his/her mouth ('di ko na matukoy kung babae o lalaki 'yung bata. Hanggang sa may mga taong dumating at tinulungan kami. -END-
What a weird dream. Parang pelikula lng na horror. Ano kaya ibig sabihin nun? May ibig kayang iparating na mensahe 'yun sa'kin? Sana naman isa lang 'yong panaginip na walang nais na iparating sa akin ng personal. Bunga lang sana 'yon sa pagiging pagod ko sa trabaho. Ipinag-dasal ko na lang sa taas na sana gabayan niya pa ako at ang mga mahal ko sa buhay at ilihis niya sana kami sa kapahamakan.
'yon lamang po.. Salamat!
Image is mine