BABALA: Matutong umilag upang hindi tamaan. Kung sakaling tamaan, huwag umaray.
Ayaw ko na sanang iactivate ang Facebook Account ko dahil nakaiirita din naman talaga makita yung mga taong sinapian ng obsesyon sa sarili. Kung newsfeed at newsfeed lang ang pag-uusapan, alam na yan! Sa mahigit 400 lang na friends ko, mahigit kalahati diyan may post ng pagmumukha niya humahashtag pa ng #nofilter, #ootd, #gandangdiinakala, #nomakeup at kung ano ano pa. Minsan nga, gusto kong magcomment ng #GANDANGDIMAKITA o kaya #GANDANGHINAHANAPPA!
Sa napakabusy na buhay natin ngayon, at napakakomplikadong araw araw, hindi ko alam kung bakit may mga taong nagagawang makapagpost pa ng pagmumukha nila bawat galaw. At take note, kada puri sa comment, wala pang isang minuto nakareply na. E ate, bakit sa post mo nakacheck in ka sa opisina mo? ‘Yung totoo, admin ba ng facebook ang work mo? Iba kasi yung pangalan ng kompanyang naitag mo.
Masarap nga siguro ‘yung pakiramdam na may pumupuri at nakaa-appreciate sa combination ng genes ng parents mo. Proud baby lang ang peg. Ok na ate maganda ka na, umani ka na ng mga 10 likes (na yung kalahati e nang uuto lang para ilike mo din posts nila hehe, symbiotic arrangement lang naman yan e), so ang tanong gumanda ba ang standing ng Pilipinas? Nabawasan ba ang mga corrupt officials? Nabusog ba ang mga nagugutom na Africans? O sasabihin mong pakialam ko e wall mo naman yan.
Oo nga wall mo nga kaya nga hindi ako makaepal e, gagawa na lang ako ng blog para mabasa din ng mga alipores mo. Hitting two birds with one stone, lalabas na kuro kuro ito at freedom of speech and therefore, hindi ako lalabas na pakialamera.
Pangalawa, hindi lang ikaw ang makakabasa nito, pati yung mga kapatid mo sa pagiging narcisstic. Isa pa, ang dami ninyo, baka hindi lahat kayo ay maintindihan ako pag nanita ako, and wala naman ako karapatan. Pero sa paggawa ng blog may karapatan ako. hehe. So, dito na lang ako sa legal. Ayaw kong makipag-away lalo through social media. Not my type, Eeew! so cheap!
Andon na ko, freedom mo ‘yan, pero wala namang absolute freedom. You have to be responsible as well. Nasa trabaho ka, panay ang upload mo? Tapos magpopost ng “I don’t deserve this unacceptable performance rate” o kaya naman e “Grabe ginagamit ng ibang tao ang picture ko as dp, not flattered!!!” At isa pa “Ok, another blocker!”
“Another blocker?” Malamang naumay na sa mukha mo na nakatambay sa newsfeed nya. Try mo igoogle FB o IG name mo, pupusta ko babaha ng mukha mo sa monitor. Naman, e nakapublic lahat ng pictures mo. Artista wannabe? Try mo magPBB.
Minsan naiisip ko, kung sa halip na mga mukha natin ang ipost natin, why not share the conditions of people around us, the society, the government. Para naman my social awareness din na maikontribute.IEto yung mga bagay na dapat ipinangangalandakan, para may matutunan at matauhan ang mga kinauukulan. Baka makatulong tayo para gumanda ang mundo at sosyedad na ating ginagalawan. Para din mabawasan yung mga reklamo ng mamamayan. Para alam kung sino ang dapat at hindi ang dapat iboto sa mga susunod na eleksyon.
Sabagay, nga naman, at least, nasatisfy yung cravings mo sa recognition, kumbaga tumaba ang ego mo. For short, humaba ang hair mo at nakumpirma mo kuno ang gandang taglay mo.
Oo na, ate, maganda ka na. Pero huwag mo nang ipagsigawan, kasi sa totoo lang, maganda ka o hindi, e ano naman sa amin?!
Last mo na ‘yan, isang post mo pa…i-block na kita… hehehe