Extra Tips:
Magsuot ng akma para sa interview. Yung komportable na damit at hindi revealing (para sa mga babae at lalake), dumating sa oras ng interview 30 minutes bago ang appointment.
Iwasan ang mga mannerisms tulad ng malikot na mata, pagkagat ng labi, kung anu-anong ginagawa sa kamay, at iba pa.
Pag-aralan ang ibang detalye about sa company at sa posisyon na pinapasukan.
Mahalaga ang ballpen o anumang panulat. Ugaliin magdala nito. Malay mo pumirma ka na ng kontrata. [Ayos di ba? (^.^) ... ]
Kung hindi ka makakapunta sa interview, mainam na tawagan mo ang opisina.
Kung ang interview mo ay para sa isang online job, pwedeng via chat, Skype/voice, videocall ang interview. Kaya maging presentable pa rin.
Isipin na ang online job interview ay tulad din ng interview sa isang office. Huwag maging kampante at laid-back.
Hindi mo alam kung gaano kahaba o kaikli ang isang job interview kaya gawin mo na lahat ang dapat gawin bago pa man. Tulad ng pag-CR, pagkain, at iba pa.
Hintayin na ang interviewer ang magtatapos sa appointment.