FACEBOOK:paalala sa madla

Posted on at


Kapag ang isang tao ay pinagdadaanan,


Nagpopost ng nararamdaman sa facebook nya.


Wag ka mabadtrip at sabihin na wala kang pake sa nararamdaman nya.


DAHIL SA PAGREREACT MO PA LANG, NAKIKIELAM KA NA.


 


 


Hindi nya kayo INAABALA at i-p-PM isa-isa.


Kawawa naman yung tao,


Kung kailan sya DEPRESSED, MALUNGKOT at NAGIISA,


binuBULLY at INAAPI mo pa


 



 


talaga bang patay na ang PANGUNAWA at PAGMAMAHAL sa kapwa ?


Pinakitid ng nauusong BANAT, PAMBABARA at PANLALAIT sa kapwa.


NEGATRON, NEGA, EMO, ika nga nila


Pero nasubukan mo na ba lumagay sa mga paa nila?


 


 


 


Hindi masama magpahayag ng damdamin,


Basta responsable at may respeto sa kapwa.


Kung walang magawa at sasabihin maganda,


PWEDE BA? itikom mo na lang ang iyong bunganga.


 


 


 


Katulad mo may karapatan din sila


Magpahayag ng kanilang nadarama.


INGAT KA,


Baka mas MADUMI ka pa sa taong sinasabi mong nakakairita.


 



 


BULLYING at DEPRESSION ay isa sa malalaking problema ng ating henerasyon ngayon.


Ngunit wala tayong ginagawa.


Atin lang ito BINABLEWALA.


Magugulat ka nalang, may nagbigti na pala gamit ang tanikala


 


 


 


BADUY man itong sinasabi ko, ngunit may katotohanan at mensaheng dala


Sana ang facebook ay gamitin natin, hindi lng sa pagost ng "cleavage" at panlalamang ng kapwa


Kundi sa pakikipag kapwa.


Hindi lang sa panlilibak, kundi sa magagandang hambawa


 


 


 


Huwag natin limutin ang turo ni ina


Ating mahalin, hindi lamang ang SARILI,


Pati na din ang kapwa...


 


 



 


 


 


#hugot #bitter #bullying #stopbullying #depression #help #save 


#givelove #peace #emo #stopcyberbullying



160